Chapter 5: Food Fight

3.8K 116 2
                                    

Sky's POV

Pumunta muna ako sa bathroom na nasa labas ng kwarto. Nadaanan ko si Zafier na nagluluto ng breakfast. Buti naman. I'm starving.

Pagpasok ko ng bathroom ay naghilamos lang ako and did my morning routine. Good thing there was a spare toothbrush. Aalis na sana ako pero nahagip ng mata ko yung suklay. Napatingin ako sa salamin at napangiwi nang makita ko yung buhok ko na ngayon ko lang napansin.

Nakita ako ni Zafier na ganito ang itsura? Tsk. Ano naman?!

Parang may tumirang halimaw sa buhok ko! Hindi rin kasi ako masyadong nagsusuklay. Actually isang daanan lang ng kamay ko yung ginagawa ko sa buhok ko tas hinahayaan ko nang matuyo or itatali ko na. Nakakatamad kayang magsuklay. I shrugged. It wouldn't hurt to comb my hair for once right?

Kinuha ko yung suklay at agad itong dinulas sa buhok ko. Wrong move.

"Aray!" sigaw ko dahil kung inaakala niyong smooth ang pagsuklay sa buhok ko. Dre, hindi ganon ang nangyari. Pahirapan lang! My hair is full of knots and got all tangled in different places. It was chaos.

Huminga muna ako nang malalim bago ko pinilit dinulas yung suklay sa buhok ko.

"Aray! Aray! Aray! Araaayy!" palakas nang palakas kong sigaw dahil sa sakit.

Binabawi ko na yung sinasabi kong it wouldn't hurt to comb my hair. Ang sakit dre! Abort mission! Abort mission!

Eh kung magpakalbo na lang kaya ako?

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo revealing Zafier na alalang-alala.

"What happened? Why the hell are you screaming?" sunod-sunod niyang tanong at tumingin pa sa paligid.

Tumigil ang tingin niya sa akin na nakahawak sa buhok ko at sa suklay na sa tingin ko ay na stuck na.

"Do I even want to know?" parang naguguluhan niya pang sabi habang pinipigilang tumawa habang nakatitig sakin with amusement in his eyes. He was biting his lip to prevent himself from smiling further.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag mo kong inaano! Hindi mo alam kung gaano kasakit yung pinagdadaanan ko ngayon!" inis kong sabi at pinagapatuloy ang pagsuklay ko habang pumipikit nang mariin at napapakagat sa labi para pigilan ang pagmura ko.

"Yung totoo babae ka ba talaga?" natatawa niyang tanong while watching me getting tortured by a comb.

"Ay hindi dre. Bakla talaga ako. Swear. Nakakalerki diba?" kunyari bakla bakla kong sabi at inartehan ko pa yung tono with matching irap.

Napailing na lang ako when he let out a low chuckle habang umiiling. Medyo natigilan pa ako dahil sa tawa niya.

"Titignan ko lang yung niluluto ko" sabi niya while chuckling at pumunta ulit sa kusina. Tinuloy ko ang aking pagsuklay hanggang sa dire-diretso na yung suklay sa buhok ko. It's a miracle!

"Fucking finally!" I breathed out at binitawan na yung suklay. Damn. Nangawit kamay ko dun ah!

Lumabas na ako at nakita ko si Zafier na nakatalikod sakin habang nagluluto. I gotta admit, it impressed me na marunong siyang magluto.

It's basic skill pero hindi talaga ako marunong magluto. Uupo na sana ako sa stool bar ng counter sa kusina niya pero nahagip ng mata ko ang isang bowl ng harina kaya agad akong napangisi.

Dahan dahan akong lumapit sa bowl at dumakot ako ng harina

"Zafier!" tawag ko at paglingon na paglingon niya ay binato ko sa mukha niya yung harina.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now