Chapter 16: Tease

6K 130 23
                                    

Rianne's POV

Takbo lang ako nang takbo habang sinusundan ang ilaw ng GIA. Ugh! Ilang beses pa akong muntik masagasaan dahil sa highway ako tinuro ng compass.

Nasaan ba ang babaeng 'yon? Parang kanina pa ako tumatakbo pero wala pa rin akong nararating.

My God! Ano ba kasi ang nangyari?

A bunch of possible reasons popped up in my head one after another. What if gumanti pala sa kanya ang Lloyd Adehao na 'yon? Dammit. Babasagin ko talaga ang mukha non kung siya nga ang may kagagawan nito.

Saang lupalop niya dinala ang kaibigan ko?!

At bakit ako tumatakbo sa loob ng mall ngayon? Tama ba 'tong tinuturo ng ilaw? I look so stupid. Baka mapagkamalan pa akong magnanakaw dito.

I slowed down my pace. Nakakahingal din ha. Patuloy kong sinundan ang tinuturo ng mga ilaw.

Seryoso ba talaga na nandito sa mall ang lugar o mali ako ng pina... su... kan.

Oh. What...?

Huminto ako.

Nakarinig ako ng mga yapak at ng malakas ding mga paghinga. Tumayo sa tabi ko si Julia, hingal na hingal at pawis na pawis.

Sunod na dumating si Jillianne sa kaliwa ko. Hinihingal itong nakahawak sa dibdib at magulo pa ang buhok.

Huminga ulit ako nang malalim. Sabay-sabay kaming tumingin sa harap.

Forever 21.

As if on cue, nagpakita si Jian mula sa pinto. "Uy, nandyan na pala kayo! Ang bilis, huh? Tara dali! Tulungan niyo ako! Hindi ako makapili. Ano ang mas bagay sa akin... ito or ito? Pero maganda rin 'to diba? At ito rin, bet ko! Ganda ng kulay!"

What the actual... fuck.

"Seriously?!" Mabilis na nakapunta si Julia sa kinaroroonan ni Jian at—

"Ouch! Hoy Juls, ano ba! Ang sakit! Wag 'yong buhok ko!"

Lumapit din si Jillianne para pingutin si Jian. "Nakakainis ka talaga kahit kailaaan!"

"Pinagod mo kami para lang magtanong tungkol sa damit?!" Naiiritang tanong ni Julia habang hinihila pa rin ang buhok ni Jian.

Lumapit na rin ako dahil nanggigigil din ako. Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Alam mo bang ilang beses akong muntik masagasaan? I even cut my afternoon classes for this!" mahina ngunit nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Absent na tuloy ako buong araw. Tss.

"Aray! Ara—ouch! Tigilan niyo ng—araaay! Guard! Guard!" Sigaw ng baliw na 'to.

Mabilis na lumapit sa amin ang gwardya ng Forever 21. Hinila nito si Jillianne palayo gamit ang kaliwa nito, at ako gamit ang kanan.

What the heck? How dare he touch me?

"Pasensya na po, pero bawal po manggulo rit—"

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon