Chapter 31: The Underworld

5.7K 145 12
                                    

Yenn's POV


Bumaba ako sa condo matapos kong mag-ayos. Panglimang araw ko na rito. At sa apat na araw na nakaraan, medyo nakasanayan ko na rin ang lugar na ito. Nakakasabay na ako sa mga tao, but of course, there were still a lot of unfamiliar things that I needed to know.

As usual, maraming naglalakad at namamasyal sa sidewalk paglabas ko. Ang iba ay mga turista na namamasyal, mga hindi asyano. Well, hindi na rin turista at bisita ang turing ko sa sarili ko dahil dito naman ako nakatira.

Nakisabay ako sa paglalakad ng mga tao. Tatawid na sana ako nang mag-green ang stoplight kaya umandar na ang mga mamahaling sasakyan. Ano pa bang aasahan sa lugar ng mga bilyonaryo?

No choice, naghintay pa ako ng 1 minute bago nag-green ang walking symbol. May tunog pa nga na nakakataranta kaya bibilisan mo talagang tumawid. Lumiko ako sa kanan at nang makita ko na ang pupuntahan kong bookstore ay pumasok ako roon.

Bakit ako nandito? Para mamili ng school materials! Sunday kasi ngayon, at papasok na ako bukas. Tss, late enrollee na nga ako. Second semester na yata nila.

Tsk! Naalala ko na naman tuloy ang school na papasukan ko.

Kinuha ko na lahat ng sa tingin ko kailangan ko. Alam niyo naman sigurong kahit gangster ako eh matino akong studyante, 'di ba?

Pumila na ako para magbayad kaso may babaeng biglang lumapit sa cashier. I could sense na Pinay siya. Morena, mahaba at diretsong itim na buhok, maganda. Halos kasing age ko lang yata 'to, siguro 18 na pero mas matangkad ako ng mga 2 inches.

"Excuse me, do you still have the entire series of Percy Jackson and the Olympians?" the girl asked.

Huh?

Ngayon pa lang siya bibili non? Ang tagal na kaya ng libro na 'yon. Masyado na siyang late.

"Of course, Miss! You can find it there in the last shelf," sabi ng cashier habang tinuturo ito roon sa babae.

"Oh alright. Thank you," then she smiled, a very sweet smile.

Minsan lang ako magcompliment, but she's really pretty.

Tsk. Pagkabalik sa unit, inayos ko ang shoulder bag ko. Obvious ba? Nag-aayos na ako ng gamit ko para bukas. Unang araw ko pa lang naman so hindi ko na kailangan magdala muna ng marami. I looked at my phone.

Psh.

Wala naman 'tong kwenta, eh. Wala naman akong katext. Kailan ba nagkaroon? Jili Juri lang naman ang madalas nagtetext sa akin noon at saka Youngs at si Kio. Tss. Whatever.

Kriiing!

Binato ko ang alarm clock ko at tumayo, saka naligo at sinuot ang bago kong uniform... kung matatawag ko pa ba 'tong uniform. Look, 'yong uniform sa school ko ngayon... parang mas pang-gangster pa sa uniform ko sa GU.

Black sleeveless fitted blouse, medyo may butas sa itaas na tila pinapakita ang cleavage, pero may red necktie kaya kahit papaano ay okay lang. Saka sigurado naman akong pag nagkaron ako ng ID hindi na masyadong mapapansin 'tong butas. Ewan ko sa style ng school na 'yon.

Tapos isang super short skirt na checkered, color black and red. Pinartneran pa 'to ng black knee socks.

On my left arm, may spiked or studded arm band. Sa right arm naman ay may kung anong chain o bracelet.

Yeah, sa uniform pa lang may idea na kayo kung anong klaseng school ang pinili ng tatay ko para sa akin.

Bago ako tuluyang umalis, kinuha ko ang isa sa binili ko kahapon. Isang nerd eyeglasses. Hindi naman 'yong malaki, tama lang. Sinuot ko na ito at lumabas.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon