Chapter 10: Pocket Rocket

7.3K 164 47
                                    

Rianne's POV


Naglalakad ako papunta sa locker ko rito sa Queendares Academy. Obviously, nakauwi na kami mula sa Boracay.

Naalala ko na naman tuloy ang kahayupang ginawa ni Kio noong Sabado. Lumingon ba naman ang gago. Tsk.

Tapos, my sisters had the audacity to scream and say it was so sweet?!

I rolled my eyes. Sweet?! Chansing kamo. How the hell is stealing kisses sweet? In the first place, I was forced. Second, I was played for a fool!

Tss. But fine. In all fairness to him, his lips were soft. That's undeniable. Pero wala pa rin akong pakialam.

Pagkatapos maglocker ay dumiretso ako sa gate. Uwian na kasi, at katulad ng dati ay nauna na sila Nasha, Cess at ate Cherrie.

As usual, ako na naman mag-isa ang uuwi. It's what I prefer, anyway. I walked out of our academy's gate.

"KYAAAAAAAH!"

"Ang gwapo niya! Kuya, anong number mo?! OMG."

"Kuya, akin ka na lang!"

"KYAAAH! BAKIT ANG HOT NIYA?!"

Ano ba 'yan, ang ingay. Ang haharot naman ng mga 'to. May artista ba? Kung tumili parang walang mga breeding! Sinilip ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

What the fuck?

Bakit nandito 'tong asungot na 'to? Sino pa ba ang asungot sa kwentong ito? Duh.

Iyong asungot kong boyfriend! Tss, yuck!

I glanced at him, and I couldn't help being immediately annoyed.

He's wearing his school uniform at may nakasampay na itim na jacket sa kaliwang balikat niya. Prente siyang nakapamulsa at nakasandal sa nakaparada niyang mamahaling motor habang gumagala-gala ang kanyang tingin sa paligid na tila ba may hinahanap.

I swear, just the sight of this annoying jerk boils my blood.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang mabigat ang mga paang lumalapit sa kanya. Is he a fucking idiot or what?

Umayos siya ng tayo at ngumisi nang nakita niya akong palapit sa kanya. "Sinusundo ang masungit kong girlfriend."

Ang lakas pa ng loob niyang kumindat! Wow ha? Siya asungot, ako masungit?!

"No need."

"Tsk, dali na, para sabay na rin tayo pumunta sa GU," pamimilit niya.

"Mamaya pa 'yon. Kailangan kong umuwi kung hindi patay ako kay dad."

"Napagpaalam na kita. Kahit 3 AM ka pa raw umuwi okay lang," sabi niya na may nakakalokong ngiting nakaguhit sa labi niya.

HUH?! Pumayag si dad?! Basta talaga anak ng business partner eh 'no? Tss!

"Fine. Whatever," sabi ko na lang sabay angkas sa motor niya.

"Ay sayang taken na pala ni Rianne!"

"Tsk, asa ka pa. Lahat naman ng gwapo taken na ng Youngs!"

"Bwisit! Young na naman?! Grr! Gwapo pa naman!"

Bahala nga sila dyan. Sa kanila na lang kung gusto nila.

"Where are we going?" I asked indifferently pagka-angkas ko sa likuran niya.

"Sa mall lang. Here, ipatong mo 'to," he offered his jacket. Naka-uniform din kasi ako at maikli ang skirt namin.

Mall? Hindi nga ako sumasabay sa mga kapatid ko dahil allergic ako sa mall tapos sa mall niya ako dadalhin? How romantic. I almost scoffed.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon