Chapter 36: Proposals

4.6K 126 17
                                    

Yenn's POV


Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao. Huh? Bakit ang dami yatang tao sa unit ko?

I slowly opened my eyes. This wasn't my unit. Nasaan ako? Umupo ako sa hinihigaan ko at nakita ang mga taong suot ang iba't ibang expression habang nakatingin sa'kin.

Ilang segundo pa bago nagsink-in sa'kin ang nangyari kagabi. Nalock nga pala kami ni Xyril dito sa campus.

Teka... napatingin ako sa palakang prinsipe na mahimbing na natutulog sa matigas na bench. Tinignan ko rin ang mga taong nakanganga, nakakunot ang noo, at nagtatakang nakatingin sa amin. Binalik ko ang tingin ko kay Xyril... at sa mga tao ulit...

Shit!

Kaya naman pala! Tae! Umaga na pala at may pasok ngayon! Baka kung ano-ano na ang mga iniisip nito. Mga malisyosa pa naman ang karamihan sa kanila.

Medyo napatalon ako nang gumalaw ang kaninang natutulog na palaka. Nag-unat-unat siya at umupo mula sa pagkakahiga.

"Oh," aniya nang napansin ang mga nakapalibot sa amin. Nalipat naman ang mga mata niya sa'kin at sa itsura ko. Then he smirked. Ano na naman kaya ang nasa isip nitong kumag na 'to?

"Good morning," he chuckled na parang ayos lang na nadatnan kami ng students sa ganitong sitwasyon.

Kung sa kanya ay okay 'yon, pwes sa akin ay hindi. Ayokong madikit ang pangalan ko sa pangalan niya sa kahit anong issue! Excuse me, malayong malayo ako sa mga babaeng nabiktima niya.

"Oh my gosh! He's so hot!"

"He looks especially good in the morning!"

"He's really the only one I wanna wake up to every morning, gosh!"

"Can I just marry him?! I don't think my ovaries can keep calm."

"Breakfast in bench, yum!"

Napatingin naman ako sa huling babaeng nagsalita at nakitang dinilaan niya pa ang labi niya na parang takam na takam. Yuck! Ganyan ba sila kadesperada?

Tinignan ko naman ang palaka at nakitang ginulo niya ang magulo na niyang buhok at saka kinagat ang labi. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong mapuri siya sa kahit anong paraan.

Tss, talande! Nagpapacute pa talaga ang mokong. Lalo namang nagtilian ang mga babaeng kanina pa nanonood kahit wala namang dapat panoorin dito.

"Tsk, why is the nerd with him?!"

"Obviously, she's trying to seduce him!"

"Ugh! Ang kapal ng mukha!"

"나가가이닛 란디!!!"

"I so hate her and her glasses!"

"A total bitch!"

"And 100% innocent slut!"

Napairap na lang ako. Hindi ko na rin maintindihan ang iba dahil kung ano-anong lenggwahe na ang ginamit nilang pang-insulto sa'kin.

Tumayo ako para sana makaalis na sa sitwasyong iyon nang...

"O-M-G! Y-Yenn?! What's the meaning of this?!" gulat na tanong ng kararating lang na si Kara. Nagkibit-balikat na lang ako dahil tinatamad akong  magexplain.

Bahala na siya sa kung anong iisipin niya. Kung isipin man niyang may something samin ni Xyril ay tanga siya. Kitang kita naman na may saplot kaming pareho ni Palaka. Duh.

Nilagpasan ko siya kaso sinundan niya ako at kung ano-ano pa ang tinanong. Hindi ko na lang pinansin. Nakakairita.

"Why are you with him? Why did you spend the whole night here? Together? Why did—"

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon