Chapter 35: Tartarus

5K 115 21
                                    

Yenn's POV


"Hey, you okay?" Jaeho asked.

Napatalon naman ako roon. Tss. Natulala na pala ako. Ugh, idiot.

"Just spaced out, sorry."

"What's your name anyway?"

Kanina lang nagdadrama ang lalaking 'to, ah. Ngayon chismoso na? Tss.

"You don't need to know," at iniwan ko na siya ron. Rude ba? Nah. At least nga cinomfort ko pa siya kahit papaano, ano.

Bumaba na ako at dumiretso sa room. Guess what? I was 15 minutes late.

"You're late," sabi ng fury'ng hindi ko matandaan ang pangalan. Who was she para pag-aksayahan ko ng oras alalahanin? Duh.

"Obviously," pilosopo kong sagot. Agad namang nagdikit ang makakapal niyang kilay.

"Pardon?"

"Obviously," I repeated. Mas tinarayan ko pa ang tono.

"You have the guts to answer back, huh?! Stay after class! Now, sit down!" Ano bang pinuputok ng buchi nito? She should be used to rude stupidents already, right? Sa ganitong school siya maglalakas ng loob na magturo tapos madaling mahigh-blood?

After class, kaming dalawa na lang ng fury na 'to ang nasa classroom. "What now?" mataray kong tanong.

Nilabas niya naman ang pinuputok ng buchi niya tungkol sa hindi ko pagrespeto sa kanya. Duh? Dinaig niya pa religion teacher sa kadramahan niya! As usual, hindi ako nakinig.

"Whatever, can't you just punish me already?" Batong bato na ako sa kakadada niya na alam kong sa parusa lang din naman ang bagsak.

"TARTARUS. TILL. 9PM. NOW!"

Pagkasabi niya non, kaagad akong lumabas kahit sa totoo lang ay hindi ko 'to nagets. Tss, basta makalabas ako! Kanina pa kaya ako naririndi sa kanya.

Tartarus? If my stock knowledge served me right, 'yon ang pinakamalalim na parte ng underworld kung saan tinapon ng gods ang mga titans at iba pang nasty creatures. But c'mon, there's no way this school had some sort of tartarus.

Duh! Dahil hindi ko naman gets at wala akong balak sumunod kahit magets ko pa, uuwi na lang ako. Palabas pa lang ako kay Cerberus nang harangin na ako ng guard. Anong problema nito?

"This is you," sabi ng guard na tila nahihirapan pang mag-English, sabay pakita ng picture ko.

"So?" taas kilay kong tanong saka ko siya nilagpasan. Hindi pa ako nakalalayo nang hinawakan niya ang braso ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"You have... ahm... your name listed at Tartarus... Ahh no, uhm... J-Just follow me!" aniya sabay kamot sa ulo.

Siguro ay bago 'to rito kaya ganito? Sinundan ko na lang siya dahil kawawa naman.

Matagal-tagal din kaming naglakad ni Manong Guard. Hindi ko na nga alam ang parte ng school na 'to—isang madilim na daan na sa dulo ay pababang hagdan. Before we descended, nakita ko pa ang picture ko sa isang pader.

Yenn Cerventez, 9pm

Bumaba na lang ako. Madilim pa rin kaya pinapakiramdaman ko na lang ang paligid. Isang mahaba't madilim na hallway na naman pala ang nasa ibaba. Maya-maya ay nakarating na kami sa dulo. Isa itong itim na pinto.

"You enter and don't try escape," sabi ng guard.

I looked at the huge wall and read the big letters marking it.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon