Chapter 13: Symptoms

6.7K 131 41
                                    

Rianne's POV


Peste. Simula nung nakabunggo ko si Kio kung ano-ano ng kababalaghan ang nangyari sa buhay ko.

Una, bigla kaming naging gangster princesses.
Pangalawa, gangster din pala si Nasha.
Pangatlo, natalo ako sa duel at biglang nagkaroon ng asungot na boyfriend.
Tapos kagabi, nalaman kong kapatid ko pala si Death Angel?

At kung totoo rin ang sinasabi niyang paparating na bad news... ay ewan ko na lang! Ang daming kailangan isipin. Ano ba namang buhay 'to!

Kaya ito, para makalimutan ang stress kahit papaano ay pumunta ako sa mall after dismissal kahit wala naman talaga akong gagawin dito. Palakad-lakad lang ako hanggang sa may umagaw ng pansin ko.

"Ma'am! Try niyo po ito. Kung isa kayong certified fan ng Big Bang or any other K-Pop group siguradong magugustuhan niyo ho 'to," sabi ng saleslady. Napahinto ako at lumapit sa kanya.

"Nasaan 'yong binibenta mo?"

Lumiwanag naman ang mukha ng saleslady dahil may nabingwit siyang potential customer.

"Ah ito po ma'am," sabi niya sabay turo sa poster ni... Taeyang na topless?

Hindi ko kilala si Taeyang. Nabasa ko lang sa poster.

"Poster lang pala," medyo dismayado kong kumento. Tatalikod na sana ako nang—

"Ma'am! Hindi lang po basta poster 'to!"

"What do you mean?"

"Hawakan niyo po ang abs niya." Ear to ear pa ang ngiti ni ateng saleslady.

Oh-kay? This is starting to weird me out. Ako naman 'tong si tanga at uto-uto na sa kabila ng confusion ay hinawakan pa rin ang abs ni Taeyang (whoever he is).

*Ahhhhh~ Ahhhh~ More~*

Kaagad akong napabitaw at sumigaw. "What the—! Was that a moan?!"

Kadiri namang poster 'to! Natataranta at mabilis kong inikot ang tingin ko. Masama at tila nangjujudge ang tingin sa akin ng mga nakarinig na passerby.

Please, sana naman walang nakakita sa akin na kakilala! This is so embarrassing.

"Yes ma'am. Boses po talaga ni Taeyang 'yan. Mayroon din pong ganitong poster si GD at TOP," nakangiti pa ring sabi ni ate.

"Ah, sige bigyan mo ako. Tig-iisa silang tatlo." Kahit sa totoo lang ay wala akong kilala sa mga pangalang nabanggit niya.

Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin. "Boss G naman! Bakit ka bibili?! If you want abs, you can just ask me, you know? I'll moan even better than that bird-looking guy."

Doon ko hiniling na sana bingi na lang ako. Nakakairita talaga ang boses niya kahit kailan. Tsk! Sino pa nga ba?

Bumungisngis naman ang saleslady sa narinig. Malagkit pa ang mga mata niyang gumala sa kabuuan ng Kio Salvatore na 'to.

"Psh, para kela ate Chelle 'to," sabi ko at padabog na kinuha ang tatlong poster mula sa saleslady na nakatingin pa rin kay Kio at nakakagat labi pa. Kaasar!

Nilabas ko ang wallet ko at saka nagbayad. Ang mahal din ah. Tsk. Dahil nababadtrip ako sa pagmumukha ng haliparot na ito, masungit ko siyang tinitigan. "Keep the change," tumaas ang kaliwang kilay ko at tinalikuran ko na siya.

Akalain mo 'yon? Php 1,250.25 per poster! Boses daw kasi talaga ito ng mga idols. Whatever! Fan kasi ng Big Bang si ate Chelle at alam kong magugustuhan niya 'to.

I turned to Kio who's following me like a fool. Ano na naman bang ginagawa ng asungot na 'to dito?

"Why the fuck are you here?"

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon