Chapter 29: Spracel Islands

5.5K 119 16
                                    

Rianne's POV


"B-Brooha... mamimiss kita," sabi ni ate Cherrie habang nagpupunas ng luha.

"R-Rianne... magiging a-ayos ka lang ba talaga r-roon?" tanong ni ate Chelle.

"Mag-iingat ka, ate," malungkot na paalala ni Cess.

Isa-isa silang nagpaalam at yumakap sa'kin. Tumango na lamang ako sa mga mensahe nila. Tinatamad akong sumagot, eh.

"N-Nak..." tawag ni mommy. Bigla siyang humagulgol at yumakap sa akin.

"A-Anak... nagalit din ako sa'yo sa pagtago mo sa amin tungkol doon... Alam mo, nak, maiintindihan ko naman 'yon, eh. Pero pasensya na, ha? Wala akong nagawa rito sa paglipat mo. Hindi ko na mapigilan ang daddy mo eh..." she cried.

"Mom, it's okay. I'll be fine." I hugged her back.

"No, hindi okay 'yon, nak... hinayaan ko lang na mapalayo sa akin ang anak ko..."

"It's not your fault, mom," I assured her.

"Pero nak... masakit kasing isipin na may isa akong anak na mapapalayo sa akin. Masakit isipin na hindi ko man lang masusubaybayan kung ano na ang mangyayari sa'yo... kung kumain ka na ba, kung magiging ayos ka lang ba roon, kung ligtas ka, kung may nangyayari na sa'yong masama, kung nalulu—"

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa'kin and looked straight into her eyes. "I told you, I'll be fine," I assured her again.

"Sigurado ka, anak?" Tanong niya habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Nothing's ever certain, but trust me mom..."

Napabuntong hininga na lang siya. "Oh sige, mag-iingat ka roon, ha? Bibisitahin ka na lang namin kapag pinayagan kami ng dad mo."

"Mom, manong driver's here," ate Bella announced.

Ayaw kasi ng magaling kong ama na samahan ako nila mommy or ng kahit sinong kapatid ko papunta roon sa tutuluyan ko. Ang arte, 'di ba?

Mom glanced at ate Bella. "Ganoon ba? Sabihin mo sandali na lang..." She gently turned to face me again.

"Anak, pasensya na at hindi ka namin maihahatid. Just remember, pagkarating mo sa dormitory, there's someone I hired to teach and tell you everything you need to know about that place. And also... here," aniya sabay lagay sa kamay ko ng isang manipis at maliit na gamit.

"Sorry, nak, ayan lang ang maibibigay ko sa'yo, eh. Use it well. I'm a hundred percent sure you'll need it," ngumiti siya nang pilit.

"Thanks, mom..."

Mommy hugged me one last time. "Sige na, nak. Baka naiinip na si manong driver. Pumunta ka na roon. Ingat ka, ha? Mahal na mahal ka namin ng mga kapatid mo."

Tumango na lamang ako at hinatak ang maleta ko palabas. Isang maleta lang naman 'to eh.

I immediately saw the van waiting for me. I was about to enter it when someone stopped me.

"Twin..."

Lumingon ako at nakita si Nasha na nakatingin sa akin. My heart beamed. I was waiting for her. Siya na lang kasi ang hindi pa nagpapaalam sa akin bukod sa tatay ko.

I thought she was still angry...

"How stupid of you. You actually let dad catch you? Kasalanan lahat 'to ng pesteng Salvatore na 'yon, eh. Why did you even allow yourself to lose the first time you fought him? Naging kayo pa tuloy," naiinis niyang reklamo.

"Brooha ka, mamimiss kita, alam mo 'yon? Tsk. I hate you! Why d-did you have to leave me..." namuo ang luha sa mga mata niya. Kaagad siyang umiwas ng tingin para punasan at pigilan ito.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon