Chapter 1: Encounter

18.8K 284 46
                                    

Rianne's POV


"Ika-ano?" tanong ko pagkasagot ng tawag. Tatawag lang naman sila sa tatlong dahilan: may problema, may laban, o may balita.

"Ikatlo. Na-track na namin kung sinong nagnakaw ng g-card ni Jian," ani Julia sa kabilang linya.

"Nice. JJP in 10?" pag-aya ko.

"JJP in 10," pagkumpirma ni Julia 'tsaka ibinaba ang tawag.

Wala akong nagawa kung hindi itigil ang pagbabasa ko ng libro. Nagsuot din ako ng hoodie at cap para kahit papaano ay takip naman ang aking mukha. Isang beses pa ako muling sumulyap kay Vruha bago tumungo sa balcony para tumakas.

Among my 8 siblings, only 2 know about my other identity. Nasha's one of them. Still, kahit pa alam niya ang tungkol dito, ayoko masyadong nagkukwento sa kanya nito.

Although I'm pretty sure she'll never break my trust naman if ever, after all, she's my twin — my Vruha.

Patalon na sana ako nang biglang may kumatok sa aming kwarto. "Ma'am Rianne, handa na po ang hapunan."

Fuck... the timing. Napairap ako't walang nagawa, "yeah, coming!"

Si Nasha ay sumabay na rin sa akin sa pagbaba. Pagkarating sa dining room ay kumpleto na silang nakapwesto roon kaya umupo na na rin ako.

Sa umpisa ay halos walang nagsasalita. Why do I feel like we all rather be somewhere else right now than here?

"So how's senior year so far?" panimula ni dad.

Lalong nagdikit ang mga labi ko't kusang nilingon si Nasha para sabihan siyang siya na ang sumagot gamit ang aking mga mata. Kami lang naman ang Seniors dito, of course, dad's talking to us! And I definitely won't be the one to answer him.

"So far, so good naman, dad. Wala namang bullies," nangingiting sagot ni Nasha.

"Baka naman kasi kayo ang nambu-bully," sabi ni daddy sabay subo ng kanin.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang matic na paglingon ni ate Sacchan at Nasha sa akin. I almost made a face. Being a gangster doesn't make me a bully! The fuck.

Speaking of ate Sacchan, she's the other one who knows about my gangster identity. I don't even know how; but a round of applause for her good instincts, I guess?

"Syempre... hindi!" nagbibirong sagot ni Nasha.

"Pretty people don't get bullied, dad," sabi ni ate Haidie. "So there's nothing you should worry about."

And that's on pretty privilege. A sad truth. It's not even being talked about enough.

Kinumusta rin ni daddy ang iba sa amin at hindi na ako nag-abalang magkaroon ng pakialam. Ang tanging inaalaa ko na lang ay ang sinabi kong JJP in 10. Ako nagsabi, ako ang late?

"Prepare your things, mga anak. We'll go to Boracay next weekend!" rinig kong masayang segway ni mommy.

Kanya-kanya silang pagbibigay ng reaksyon. The difference between mom and dad is that mom knows how to have fun. Dad's too strict, which kinda makes him intimidating and boring.

Bzzzt. Yes, I know! I'm freaking late!

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa't tumayo na. Inaasahan ko na ang mga tanong ni dad kaya inunahan ko na siya. "I'm sorry, but my tummy really hurts," pag-arte ko at tumakbo paalis, kunyari papuntang kwarto.

Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Nasha't alam kong alam niyang walang katotohanan sa excuse kong 'yon.

Pagkalabas ay kinuha ko ang cap ko sa bulsa ng hoodie at saka iyon sinuot. My head was down the whole time I was half-running. Mahirap nang makilala.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon