I Miss Her (50)

937 15 20
                                    

The Last Chapter :) expect it to be the longest chapter :)
-------------------------------------------------------

"Let's all Welcome, The Nostalgia Refrain!" the MC announced.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang bawat hakbang paakyat. Ako ang naunang umakyat sa aming Apat. Oo, Apat na lang kami. Wala na si Gela, She's nowhere to be found. Walang nakakaalam aside from Ace na mas piniling manahimik na lang kahit ilang beses na tinanong.

Nandito kami ngayon sa isang morning talkshow. Wala rin naman kaming magagawa kasi nasa Manager at Kumpanya ang desisyon kung saan kami dapat mag guest.

It's been 1 and a half year simula nang mawala siya sa 'kin. And the pain still lingers in my heart. Alam ko sa sarili ko na Missing someone and not able to see them is the worst feeling ever. Pero inunti-unti ko ang pagka-miss kong iyon. Tanggap lang ako ng tanggap ng projects para hindi ko siya masyadong maisip. Para kahit papaano hindi ko siya maalala at para hindi muna sumakit ang puso kong nangungulila sa kanya.

Bumalik naman ako sa realidad nang makaramdam ako ng tapik mula sa balikat ko. Napalingon ako sa nagtapik sa akin, si Ace lang pala. Tinanguan ko lang siya at hinarap ang malaking crowd. Nasa isang park kasi kami nagshoot ng talkshow na ito at halos hindi ko na makita ang ibang park equipments dahil sa sobrang daming taong nakapaligid sa amin even if it is still morning.

Napahawak ako sa batok ko para mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Hindi pa rin ako nasanay kahit halos mag ti-three years na namin itong ginagawa at ako pa rin naman 'yung Yohan na patuloy na nagbibigay ng Inspirasyon.

Narinig ko naman ang boses ni Jerie na nag Good morning sa lahat. Napailing ako at umupo sa tabi ng MC. Bale, gitna naming apat 'yung MC.

"So, for today... Kasama natin ang Nostalgia Refrain to talk about something. Bukod sa kasikatan nila, nais namin sana alamin ang kanilang buhay o 'di kaya ang kanilang mga love life, kung meron man." Nakangiting sabi ng MC.

"LOVE LIFE! LOVE LIFE," sigaw ng madla.

Nanlumo naman ako bigla sa narinig ko. Pero ayos lang, Masaya naman akong ibahagi sa kanila na nagmahal ako ng isang babaeng hindi na mawawala sa puso't isipan ko.

Napatingin ako kay Ace na natigilan at napangiwi. Napailing ako, samantalang si Michael naman ay bahagyang nalungkot. Si Jerie naman ay nagkamot lang ng ulo.

"Love life it is." Tango-tangong wika ng MC at tiningnan ang Flashcard na hawak.

"So, before we start, may 9 lucky answers mula sa Twitter ang babasahin ko at Ipa-flash sa screen sa tanong na ibibigay ko." Umayos ito ng upo at nag sideview ng konti para humarap sa screen.

"The question will be, Who would you choose? The one you love or the one who loves you?"

Sandaling tumigil ang paghinga ko at natigilan ako sandali. A memory hit me along with my heart. It struck me with pain. Naalala ko na naman 'yung araw na nagtampo siya sa akin kasi kinain ko 'yung Cake niya.

"Yohan…" mahinang sabi ni Dessirie sapat na para maririnig ko, magkatabi lang naman kasi kami.

"Hmmm?" Tanging sagot ko.

"Who would you choose? The one you love or the one who loves you?" Out of the blue niyang tanong.

Nagkaroon ng katahimikan sandali at napaisip ako.

"Siyempre 'yung The One who Loves me." Nakangiting sagot ko kahit natatakpan ang aking mga mata ng aking braso.

"Bakit naman?" tanong niya at nag side view ako ng kaunti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now