I MISS HER (23)

1K 32 3
                                    

DESSIRIE

Matapos ang Gabing 'yon. Hindi na niya ako iniiwang mag-isa. Kailangan kung nasaan siya, Nandoon din ako o kaya kung nasaan ako dapat nandoon din siya. Ewan ko ba sa kanya tuwing nag C-CR nalang ata ako mag-isa o kaya kung matutulog na. It means—wala talaga akong kawala sa kanya.

Pero Oo nga't sinabi niyang "I Love You" ngunit hindi ko talaga ma-explain kung ano ba talaga nangyayari ngayon. That night when he said that he loves me, aaminin kong nagulat talaga ako tapos wala na. Speechless na. Hindi ko man lang nasabi na Mahal ko rin siya, Matagal na.

Pero mas mabuti naman sigurong ako lang muna nakakaalam 'di ba? Tsaka hindi naman niya ako tinanong at ayaw ko mag expect na manliligaw siya kasi parang wala lang din. Hindi ko talaga magets kung ano kami ngayon—Friends? Very Best friends?

I need to check the Label everytime na magkasama kami kasi nga mukha daw talaga kaming Couple kapag magkasama.

Nandito ako ngayon sa Music Room, kung saan dito na talaga ang Official Room na pinag papractice-an namin kapag may Upcoming Event or Gig.
Syempre ako lang mag-isa dito. Buti nga kahit ngayon lang napag-isa ako. Pinaalam ko lang na Mag-C-CR ako pero dumiretso ako dito sa Music Room because I Need Air.

Konti nalang talaga Bibigay na ako. Konti nalang Aamin na talaga ako. Ang hirap din kasi Itago eh lalo na't naiipon lahat ng Kilig at lahat ng efforts niya na mapasaya ka. Iba na'yon eh Sobra na. 'Yong tipong sasabog na Puso ko sa sobrang dami. Kaya kailangan ko muna mapag-isa.

Naisip ko nanaman na Ilang araw, Linggo o Buwan nalang pala ang Natitira. Masyadong mabilis ang Oras minsan nga hindi ko na namamalayan. Unti-unti nang Sumasakit at minsan naman Inaatake ako at buti nalang hindi niya nahahalata.

Hawak ang Gitarang niregalo sa akin ng Parents ko no'ng Bago pa sila mamatay, itong gitarang ito ang Palagi kong ginagamit if I need Help—I mean para kasing nasa tabi ko sila kapag gamit ko 'yon and I feel Comfort in it.

Bago ako kumanta naisipan kong gumawa ng Bucket List. Uso kasi 'yon 'di ba kapag Malapit na parang "What to do's before I leave this world" kumbaga.

Iba lang sa akin. I just want to do these things with my Boyfriend kung magkakaroon man. Ayan ka nanaman Dessirie eh, Umaasa. But who cares? Ako naman gagawa nito at may gusto nito eh.

Sinulat ko lahat 'yon at nasa 25 din. Marami pala akong sweet thoughts pero naka base din naman 'yon sa mga movie na pang RELATIONSHIP GOALS talaga at sana hindi Maging Relationshit goals 'tong pinapangarap kong mangyari sa akin. Pero pwede narin sigurong *Signs to find a Perfect BF* ito. Basta kapag nangyari, Handa akong Umasa. I'll take the Risk.

Matapos kong isulat ang "25" na 'yon, Inipit ko nalang sa notebook ko na kanina ko pa dala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapos kong isulat ang "25" na 'yon, Inipit ko nalang sa notebook ko na kanina ko pa dala. Ewan ko kung bakit ko dala 'yon.

Ipinuwesto ko ang Gitara at Nagsimulang mag-strum.

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now