I Miss Her (42)

389 16 11
                                    

3rd Person's POV

Ilang araw na lang at magco-concert na ang banda. Halos silang lahat ay Kabado. Kasi first time lang nila kaya natural lang 'yon. Sila kasi ang kauna-unahang rookie band na magkakaro'n ng Concert kaya medyo na pe-pressure sila.

Sa lumipas din na araw ay patuloy lang si Yohan sa pag-aalaga kay Dessirie. Kahit na Pagod galing sa practice. He will make sure to have time for Dessirie. His 'Priority' kuno.

Nabalita na rin ang date ng Concert nila. Pati ang pagkaubos ng Tickets in a span of 3 minutes. Kaya nawindang silang lahat at hindi makapaniwalang gano'n na talaga sila ka sikat.

Si Dessirie naman ay nakatingin lang sa buong banda na nag-uusap tungkol sa Concert. Wala na siyang maisip na iba, ang gusto lang niya ay makitang umapak ng stage ang banda, kahit sa huling sandali ng mga araw na natitira sa kanya.

Wala na rin siyang magagawa, dahil sa kada inom niya ng mga gamot, lalo lang siyang nanghihina kaya Itinigil na lang niya ang pag-inom. Nagkukunwari siyang Iniinom niya 'yon sa tuwing inaabot sa kanya ni Yohan ang mga gamot.

Para saan pa nga ba kasi ang mga gamot? Mas lalo lang pinapabilis ng mga gamot na 'yon ang paghina ng cells niya sa katawan.

Napabuntong hininga siya.

"MBHB, Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Yohan.

Binigyan niya lang ito ng isang ngiti. Ngiting tinatago ang lahat ng sakit.

"Okay lang ako…" aniya.

Tiningnan muna siya ni Yohan, tinitingnan kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Uh-huh. Pano ba 'yan MBHB, may practice pa kami. Balik na lang ako mamaya, Okay? Wait for me," Sabi ni Yohan sabay hawak sa mga kamay niya at hinalikan iyon, pati na rin sa kanyang Noo.

"Bye, Dessirie!" Sabay na sabi ni Jerie at Michael.

"Ingat kayo," halos pabulong na sabi niya.

"We will, See you later," Yohan said as he get his backpack.

Nang mabuksan ni Yohan ang pinto, napahinto naman si Gela at nilingon siya.

"Sige, Guys. Una na lang kayo… susunod na lang ako," sabi ni Gela sa Apat na lalaking nasa harapan nito.

"Bilisan mo a? Ikaw pa naman star kaya 'wag ka ma-late," pagpapa-alala ni Michael kay Gela na ikinatango naman ng huli.

Pero si Ace ay nakakunot noo lang na nakatingin kay Gela, pero nauna namang lumabas ng pinto.

Nang makalabas ang Apat na lalaki. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Gela at dahan-dahang humarap sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Dahan-dahan naman itong lumapit sa kanya at maingat na umupo sa upuan na katabi niya.

"Kamusta ka naman?" Agad na tanong nito.

Napangiwi siya, alam niyang naiintindihan siya ni Gela. Paano? Bakit? Hindi niya alam, She thinks that Gela knows Everything. Kaya hindi na siya makakapag sinungaling  pa.

"Heto, Nagpapakatatag kahit hindi na kaya ng Katawan ko," aniya na may alanganing ngiti.

Nailing naman si Gela at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay.

Gela smiled and said, "Alam mo, 'wag na 'wag mong iisipin na wala na talaga. Porket tinaningan ka na susuko ka na. Pero estimated lang naman 'yan e. Hindi naman exact at walang kasiguraduhan, saka depende naman sa'yo 'yan e." Nang gumalaw ang hinlalaki ni Gela ay agad naman siyang nakaramdam ng Kaginhawahan at it feels like she's in peace. 'Parang may magic talaga si Gela,' aniya sa kanyang sarili.

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now