I Miss Her (40)

484 16 3
                                    

A/N: Happy 40th Chapter~ 🎈🎊🎉🎈
——————————————————

Dessirie's POV

Hiniling ko na sana 'wag na lang matapos ang Masayang araw na 'yon. Humiling ako na sana, masundan pa iyon. Humiling ako na sana, Gumaling na ako. Humiling ako na sana puro saya na lang ang maramdaman ko. 'Yong walang halong kalungkutan.

Pero hindi naman lahat ng Hiling ay natutupad at hindi lahat nangyayari.

Akala ko, okay na. Akala ko may Chance na. Akala ko, gagaling pa ako. Akala ko, makakalabas ako kasama si Yohan. Pero lahat ng ito ay akala lang talaga. Akalang nakakamatay.

Umasa ako na may Milagro. Umasa ako na papakinggan Niya ako. Umasa ako na tatagal pa ako dahil sa kanila. Pero umasa lang ako…humiling, at nag-akala.

Pero bakit ganito na lang? Bakit patuloy pa rin akong nasasaktan? Bakit panandalian lang 'yong happy moments na Ipinaramdam sa akin? Nakatadhana ba talaga sa akin na maghirap ako nang ganito?

Kasi kung Oo, ayoko na! Pagod na pagod na ako! Tama na! Hindi ko na kaya! Sobrang sakit na!

Marahas na pinunasan ko naman ang luhang nag-uunahang pumatak mula sa mga mata ko. Huminga ako nang malalim at inalala ang sinabi sa akin ng Doctor.

"Base on your Records, walang Improvement. Ilang beses na ako nag run ng test, but the result is always failing. Wala ka nang pag-asang gumaling Ms. Dessirie, Masyado nang late. Kumalat na sa katawan mo ang Cancer cells," Huminga siya ng malalim. "Pasensya ka na kung hindi kita natulungan. I failed my promise to your Mom. Promise na, kung sakaling namana mo ang sakit niya... Ako ang gagamot sa'yo. But It's too late. I'm so sorry kung wala na akong magagawa pa." Alam kong pinipigilan niya lang ilabas ang kanyang Emosyon.

Dahil siguro sa gulat ko. Hindi na ako nakapagsalita pa. Bigla akong nablangko—wala akong naramdaman na kung anong emosyon. Basta bigla na lang ako natulala. Hindi ko na nga namalayan na umalis na pala si Doc.

Buti na lang pala wala dito si Yohan. Wala akong planong sabihin sa kanya. Ayoko. Ayoko siyang mag-effort pa.

Para saan pa? Kung hindi naman na pala ako gagaling?

Sumusuko na ba ako?

Oo, sobra. Hindi ko na kaya e. Gusto ko nang magpahinga. Nakakapagod. Biglang nawala 'yong will ko para mabuhay, pati na rin 'yong Lakas na iniipon ko simula nang sabihin sa akin ni Yohan na tutulungan niya ako lumaban. Lahat ng iyon… biglang nawala.

"MBHB, nabili ko na 'yong pinapabili mo." Napatingin naman ako sa may pintuan.

Si Yohan, may dalang paper bag na galing sa National Bookstore.

Nagpabili ako sa kanya ng Isang Notebook at Ballpen. Pakiramdam ko kasi kailangan ko magsulat. Isulat ang mga nararamdaman kong hindi ko kaya sabihin sa kung sino man. Kahit kay Yohan… hindi ko kaya sabihin.

Aaminin kong naduduwag talaga ako. Pero paano ba kasi? Paano ko sasabihin sa kanila ito? Kung laging ang bungad nila sa akin ay nakangiting mukha nila at pinapalakas ako.

Ayokong burahin ang mga ngiti sa mga labi nila. Pero alam kong mabubura rin kung malalaman nila. Pero gagawin ko ang lahat, 'wag lang nila malaman.

Lumapit siya sa akin at Inabot sa akin ang paper bag. Pi-nat niya ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.

"Thanks," tipid na mahinang sabi ko.

Sa totoo lang… sa kada araw na dumadaan nanghihina ako. Tipong parang may pwersang pilit na hinihigop lahat ng lakas ko. Lalo na kapag bigla akong Inatake nang sakit.

I Miss Her (#AAA2017)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora