I Miss Her (47)

481 15 11
                                    

:) :) 🙂🙂 :) :)
Mamaya niyo I-play kapag umabot na kayo sa part.
------------------------------

3rd Person's POV

Umaga ng Sabado, aligaga ang mga tao sa kanyang paligid. Ano pa ba ang dapat niyang isipin? Concert ngayon ng 'Nostalgia Refrain!' nararamdaman niya ang Tensyon at Kaba ng mga kasama niya.

Huminga siya ng malalim. "Yo, guys! Chill!" nakangiting saad niya sa buong banda, habang pinipigilan ang tawang gustong lumabas mula sa kanyang bibig.

Sino nga bang hindu matatawa sa ekspresyon ng mga kasama niya? Si Michael, balisa na hindi alam ang gagawin. Si Jerrie, parang natatae na hindi mapakali. Si Ace, nakaharang ang matipunong braso sa Pader at ang noo nito ay na natili lang doon. Si Gela, ay nakangiwi lang sa mga kasama. Lastly, napatingin siya kay Yohan. Ito ay nakatitig lang sa kisame habang nakaawang naman ang bibig nito. Delikado na.

Napailing siya dahil wala namang nakarinig sa sinabi niya. Umusog siya ng kaunti sa gilid ng kama. Tutal katabi lang naman niya si Yohan, gamit ang kanyang kaliwang kamay. Isinara niya ang nakaawang na bibig nito.

Mukha namang natauhan si Yohan dahil napa-atras ito nang kaunti. Ngunit napatitig naman ito sa kanya ng matagal. Muli siyang umiling, she snapped her fingers infront of him. Still, No response. Kaya kumuha naman siya ng lakas at malakas na pumalakpak.

Dahil sa kanyang ginawa, na-out balance si Ace na nakatukod ang kamay sa dingding na ngayon ay kasalukuyang hawak na ang ulo, nauntog pala ito dahil sa gulat. Napatigil naman sina Michael at Jerrie, bumakas ang takot sa mga mukha nila. Si Gela naman ay nagkibit balikat lang.

Napabuntong hininga siya. "Ano ba kayo? Concert niyo na ngayon, dapat naghahanda na kayo! Huwag kayong kabahan! Enjoy this day, will you? This is Nostalgia Refrain's Day! The First rookie band who will held their own concert after debuting!" Pagpa-paalala niya sa kanyang mga kasama.

Natahimik naman sila-mali, kanina pa pala tahimik ang kanyang mga kasama.

"Paano kung... Magkamali ako? Paano kung-"

"-shhh! 'Wag mo kasing isipin 'yan Jerrie! Hindi ka magkakamali as long as alam mo naman ang gagawin mo at dapat Ine-enjoy mo lang. Don't think of 'what if's' please? Ikaw lang ang mahihirapan." Nakangiting aniya.

Nakita naman niya ang Relief sa mukha ni Jerrie.

"Ikaw Michael, you can do it. Just believe in yourself. Don't over think, okay?" Makahulugang wika niya. Kahit na nagtataka si Michael, he just nodded at umupo sa tabi ni Jerrie na yakap-yakap ang Electric Guitar.

Nabaling naman ang kanyang tingin kay Ace na sumusulyap kay Gela, chill lang ito at mukhang may malalim na iniisip. Napangisi siya.

"Ace, baka matunaw. Mamaya na 'yan. Basta 'wag ka rin kabahan. Hindi ba't sabi mo dati na, bida ka? 'di ba, kapag bida, nagpapasikat?
O 'di kaya'y nag mamayabang?" Pang-aasar niya kay Ace kaya naman sinamaan lang siya nito ng tingin.

'Phew' Nagpeace sign naman siya. "Joke lang, I just want to erase the heavy tension here in my room. Hindi ako makahinga e. Chill lang kayo. Kung puro kasi kaba, para saan pa at nagpractice kayo ng Ilang-araw? Natural lang na kabahan, pero kasi, ibang kaba ang nakikita ko sa inyo e. Stop it, It won't help. Well, Goodluck mamaya. I'll be watching Nostalgia Refrain's first awesome Concert!" Nakangiting aniya sa kanyang mga kasama.

Nahawa naman sila sa positive energy na ibinibigay niya. Kaya lumapit ito sa kanya at nag-group hug sila for the last time.

"Well, that's my Wife. My BHB. Ganyan siya ka-positive para ma-motivate tayong lahat. Take it as a Motivation from my beautiful wife. And as Nostalgia Refrain's Leader. We should make a move now! Mamaya na ang concert, so let's go!" Nakangiting sabi ni Yohan sa kanya. She smiled as Yohan kissed her temple.

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now