I MISS HER (48)

484 11 7
                                    

Play ▶ Gone to Soon by Simple Plan
---------------------------------------------------------

3rd Person's POV

Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Natulala siya sa kanyang nakikita.

"Hindi!" He said on his mind.

Nanginginig na lumapit siya sa kinaroroonan ni Dessirie. Hindi niya magawang pumikit at huminga ng maayos dahil sa kanyang nasaksihan.

Naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Hindi niya iyon tiningnan dahil ang kanyang paningin ay nakatutok lang kay Dessirie.

Nabibingi siya at nanlalabo ang kanyang paningin. Bigla na rin siyang namanhid.

"YOHAN!"

"YOHAN! PARE!"

"… YOHAN!" saka lang siya napatingin sa taong nakahawak kanina sa kanyang balikat. Na ngayo'y nasa harap na niya at sinampal siya nang malakas.

"...J-jomark, A-anong nangyayari kay Dessirie?" Nangangatal na tanong niya sa lalaki.

Napabuntong hininga ito at napahawak sa noo. "Kumalma ka. Bigla na lang kasi siyang nag collapse nang makarating ako rito sa kwarto niya. Saka, sumisigaw siya kanina pa. Kaya tumawag na ako ng mga kasama."

Nang ibaling niya ang kanyang tingin kay Dessirie. Nakatingin ito sa kanya—tingin na may halong lungkot, sakit at paghihirap. Habang ang mga nakapaligid dito ay Busy sa paghahanap ng solusyon sa kalagayang nitong hindi pa mawari, dahil halata sa mukha nito ang isang salitang naiisip niya. . . Pagsuko.

Mapait na ngumiti ito sa kanya nang lalapit na sana siya. Ngumiti rin siya, ngunit 'yon na ata ang huling ngiting kanyang kayang ipakita. Dahil bago pa siya lumapit, Dessirie mouthed, "I'm Sorry, I love You."

Naramdaman na lang niya na tumulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. He was about to approach her, but to his disappointment, someone stopped him and he was caged between 2 strong arms.

Napayuko siya sandali, bakit nga ba wala siyang magawa ngayon kundi ang tumingin? Sumigaw ang matandang Doktor kaya nataranta ang ibang Nurse. Kaya nag-angat siya ng tingin, na sana pala ay kanina niya pa ginawa, dahil nang nag-angat siya ng tingin. . .

Nakita niyang unti-unti nang pumipikit ang mga mata ni Dessirie. Narinig niya rin ang nakakabinging tunog na kahit kailan ay ayaw na niya marinig pa. Kinakabahan siya. Walang salita ang lumalabas sa kanyang bibig kahit na gusto niyang sumigaw. Pilit din siyang kumakawala sa mga nakahawak sa kanya. Gustong-gusto niyang lapitan si Dessirie.

Kinabitan ng Oxygen mask si Dessirie at pilit na nire-revive. 'Yung ibang nurse naman ay nakabantay lang sa pulse rate nito. Lumapit ang isa pang Nurse at iniabot sa Matandang Doktor ang Defibrillator paddles. Nang abutin 'yon ng Doktor, ipinagdikit nito ang dalawang paddle at nilapat sa dibdib ni Dessirie. Gusto niyang umiwas sa kanyang nakikita ngunit hindi niya mai-iwas ang kanyang tingin. Hindi niya kaya.

Tatlong beses ginamitan si Dessirie ng
Defibrillator paddles. Ngunit wala pa ring nangyayari at ang ECG nito ay nag-isahang linya na. Kumuha ng flashlight ang doktor at ibinuka ang mga mata ni Dessirie, saka ito napailing at tumingin sa sariling relo.

"Time of death, 2:40am." Anunsiyo nito at ni-record naman ng isang nurse.

Tila bigla namang gumuho ang kanyang mundo dahil sa narinig.
Napatanong siya sa kanyang sarili ng, bakit gano'n? Kanina, okay lang naman si Dessirie. Masaya pa nga ito bago sila umalis. Grabe ang fighting spirit nito para sa kanila. Bakit biglaan naman ata? Bakit bigla na lang ito nawala sa isang iglap. At bakit sa harap niya pa mismo? — 'yung nakita niya pa kung paano ito bumigay. . . Sa dami ng bakit na pwede niyang tanungin, alam niyang walang makakasagot sa kanyang mga tanong kundi ang sarili niya lang din mismo.

I Miss Her (#AAA2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon