I Miss Her (46)

402 10 4
                                    

3rd Person's POV

"Bakit ang daya niyo?"

"Bakit hindi niyo sinabi?"

"Bestfriend kita e, why?"

"Grabe ka anak, akala ko pa naman sasabihin mo sa akin."

"Yo, guys, chill." Pagpapatigil ni Gela sa mga kabanda at sa nanay ni Yohan.

Sabay-sabay naman silang napabuntong hininga.

Ngumiti lang si Yohan. "Gusto ko lang kasi kami munang dalawa, saka na kayo kapag sa Simbahan na."

"Woooooo!"

"Nice nice!"

"Bongga! ka naman anak!"

"Kabog ka leader!"

"Nice!"

At nag-ingay na silang lahat. Medyo malayo ito sa kanya kaya malaya niyang pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan at ang mama ni Yohan.

Napatingin naman siya sa Babaeng papalapit sa kanya. It was her friend, Gina.

"Congrats nga pala," sabi nito at hinawakan ang kanyang kamay.

"Thank you! Salamat din at pumunta ka rito." Nakangiting aniya.

Binigyan siya nito ng malungkot na ngiti. "Sorry, kung ngayon lang ako pumunta rito. Ang dami kasi ng problema na nangyari kaya ngayon lang ako nakabisita sa'yo. Saka, maybe this is the last time."

"Ano 'yung huling sinabi mo?" Sabat niya nang hindi niya marinig ang huling sinabi ng kaibigan.

Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Wala, ang sabi ko, Tatagan mo ang sarili mo. Gaya nung sinabi mo dati, na, Never Give up! Thank you do'n. Kasi hanggang ngayon, hindi ako nag give up. Magpapahinga lang muna ako." Makahulugang sabi nito na may bahid na lungkot sa boses.

Hindi nakapagsalita pa si Dessirie dahil hindi niya maintindihan ang kaibigan at mukhang ayaw naman nitong pag-usapan. Kaya oobserbahan na niya lang ito.

Nabaling naman ang kanyang atensyon sa isang katok mula sa pinto. Nang bumukas iyon, iniluwa n'on si Jomark. Naramdaman niya naman na napabitaw bigla si Gina sa kanyang kamay, tiningnan niya ito at nag-alangan ito ng ngiti at iniwas ang mata sa kanya.

'May something ba sila ni Jomark?' Aniya sa kanyang sarili.

Nang mapatingin naman sa gawi nila si Jomark, naestatwa ito sandali sa kinatatayuan at napaawang ang labi nang makita nito si Gina. Napalunok naman ang Dalaga, nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya at hindi na siya magtataka pa kung sino ito.

Natense siya bigla at hindi mapakali sa kinatatayuan lalo na nang lumapit sa kanila si Jomark. Jomark cleared his throat and checked Dessirie's condition. Sandali lang iyon ngunit pakiramdam niya ay Isang araw na.

Kaya habang chine-check nito si Dessirie. Kunwaring tumingin pa siya sa kanyang Relos at umacting na may gagawin pala siyang importante. "Ay! Alis na ako Dessirie, may pupuntahan pala akong importante!" Aniya at madaling lumabas ng kwarto.

Ramdam naman ni Dessirie ang panginginig ni Jomark at pagmamadali nito. Nang matapos ito ay agad itong nagpa-alam sa kanya at tinakbo ang distansya sa Pintuan. Napapikit siya nang Isara nito ang pinto ng malakas.

Kaya natigil sa pag-uusap ang banda at ang mama ni Yohan.

Lumapit si Yohan sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Anong nangyari kay Jomark?" tanong nito sa kanya.

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now