I Miss Her (34)

627 18 5
                                    

Yohan's POV

Hindi ko na alam kung Ilang beses kong nasuntok iyong pader. Basta ang alam ko lang pinigilan ako nila Jerie at Michael. Dinala nila ako sa kwarto na kung saan namamalagi kami, kasama ang isang Nurse na may dalang First Aid Kit.

"Bakit kasi sa lahat ng susuntukin mo, Pader pa? Nasiraan ka na ba ng ulo?" Inalis ko naman ang tingin ko sa Dumudugong kamao ko at binalingan nang tingin si Michael.

"Siguro? Gano'n na nga?" Wala sa sariling sagot ko sa tanong niya.

"Ano ba kasing nangyari?" Nilingon ko naman si Jerie, na kasalukuyang kumakain ng Mansanas.

"May Sakit si Dessirie."

"O, eh bakit nandito ka pa? 'Di ba dapat umuwi ka na? Alagaan mo na siya. Alam naman namin na Miss na Miss mo na siya e." Simpleng sambit ni Michael.

"Ibang sakit mga Pre. Sakit na pwede niyang Ikamatay," malungkot na pahayag ko.

Masyado akong nagulat sa sinabi ni Jomark, kaya hanggang ngayon… hindi pa rin marehistro sa utak ko… hindi ko matanggap.

Nakita ko naman na nahulog 'yong Kinakain ni Jerie na Apple, "Hala! Kaya ba siya nag quit sa banda? Para lang magpagamot? Bakit hindi niya sinabi?!" Natatarantang aniya.

"Siguro 'yon ang dahilan na ayaw niyang sabihin sa atin. Hindi ko rin alam, Ni hindi nga rin niya sinabi sa'kin. Kung hindi lang ako sinuntok ni Jomark, baka hanggang ngayon clueless pa rin ako sa mga nangyayari. Ni hindi ko nga siya makausap dahil ayaw niya akong makita. Ayaw niya pa." Napatingin naman ako sa mga kamao ko na tinatapalan na ng tela.

"Paano nga niya sasabihin sa'yo 'yon kung busy ka sa Pag protekta sa kanya na hindi naman niya alam? Kasi mas pinili mong 'wag  siyang idamay tapos Iniiwasan mo pa nga siya, sinabi mo pa na 'kaya mo naman sigurong maghintay?' 'Di ba? So, how can she talk to you If you, yourself is avoiding her even though hindi mo kaya? Pero nakatiis ka sa ilang araw na gano'n?" Natahimik naman ako sa sinabi ni Michael.

Buti sana kung hinayaan ko nalang siya na maki-cooperate kaso mas pinili ko na lang talaga na hindi. Mas pinili kong Iwasan siya at saktan siya.

I'm so dumb.

Napabuntong hininga ako at tumayo na, tutal tapos naman na gamutin ang kamao ko. "Sige, Alis na muna ako. Gusto ko munang magpahangin. Kailangan ko na rin siguro mag-isip-isip 'no? Sabayan na rin ng Pahinga kasi konti nalang talaga mababaliw na ako e, Hintayin niyo nalang si Ace rito." Sabi ko sa kanila habang humahakbang palabas ng kwarto.

Huminto ako sandali at tiningnan ang babaeng nakahiga sa Kama.

May sugat siya sa kanyang Ulo at Kaunting galos sa Katawan. Samahan na rin na na-sprain 'yong Kaliwa niyang kamay at ang Kanang paa.

Tuluyan na akong lumabas sa kwartong 'yon at Dumiretso papunta sa Mini Chapel ng Ospital na ito.

The Girl in that room. It was Gela, naaksidente siya kanina, kaya kami napunta dito sa Ospital. And knowing Ace, hindi na niya hahayaan pa na mangyari ulit ang nangyari ngayon. For sure, he will protect Gela as I Protect My Dessirie.

Kahit na marami akong natuklasan ngayon, hindi naman sa sinasabi ko na Blessing in disguise 'yong pagka aksidente ni Gela. Kasi kung hindi dahil sa pagtawag ni Ace sa'kin na nandito sila... Hindi ako susugod dito, hindi rin sana ako makakadaan sa kwarto ni Dessirie, at hindi ko rin sana malalaman na may sakit pala siya.

Ngayon ko lang din nakitang Umiyak si Ace sa Isang babae, kay Gela pa. At Hindi sa Ex-Girlfriend niya. And I guess… Gela will be happy if she knows.

I Miss Her (#AAA2017)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora