I Miss Her (29)

468 22 3
                                    

Dessirie's POV

Gabi na ngunit ang ipinagtataka ko lang, bakit wala parin si Yohan hanggang ngayon?

Sa pagkakaalam ko, dapat by 6pm tapos na ang Practice nila para sa Concert na gaganapin Pero 10pm na, bakit wala parin siya dito sa bahay?

Ayokong mag-isip nang kung-ano kasi Girlfriend palang naman niya ako. Ayaw kong maging OA katulad nung iba, na akala mo Mag-asawa na para mag-away tapos ang dahilan 'yong late lang ng pag-uwi.

Ako lang naman 'yong tipong, 'I deserve an Acceptable reason, but excuses? Nope, I'm not a believer of your lies.'

Hindi ako fan ng ganun. Hindi, never.

Tiningnan ko nalang yung buong Sala nila Yohan. Puro pictures ito ni Yohan simula bata palang siya, kasama narin yung mga pictures ni Tita. Ang ipinagtataka ko lang ay BAKIT ni isang Picture ko, kasama si Yohan no'ng mga bata pa kami ay wala? pati narin 'yong kasama parents ko. Pero nevermind. Wala rin naman yung Pictures ni Tito, Tatay ni Yohan.

Napalingon naman ako sa lock ng Pintuan. May nag bubukas. Si Yohan na'to.

Alam kong gasgas na itong gagawin ko, pero sana effective.

Patay lahat ng ilaw dito sa Sala tapos buti nalang may Lampshade akong katabi, Ready na ako. Ehem.

Dahan-dahang bumukas yung pinto at nakita ko naman ang bulto ng katawan ni Yohan. Pumasok siya na parang sinasabing 'Wala kang paki sa presensya ko.' Chill lang kumbaga.

Nang makalapit na siya sa harap ng table na kaharap ko, binuksan ko na yung Lampshade at naka-cross arms ako. Nakita ko namang nagulat siya. Gusto ko sanang ngumiti, pero tinapunan niya lang ako ng isang Bored na tingin.

Itong bentang line na'to sana makisama. "At saan ka nanggaling?! Wala ka bang Orasan para hindi mo mapansing Gabi na? O, malabo na ang mata mo kaya akala mo, Hapon palang? Sagot!" Ha! Akala niya!

Napahawak naman siya sa Batok niya at hinarap ako ng may inis sa mukha. "Hindi mo ba talaga kayang maghintay? 'Di ba ang Sabi ko sayo, kakausapin lang kita kapag handa na akong tanggapin. Tanggapin na Nag Quit ka na. And I'm sorry if late akong umuwi, Galing lang ako ng Practice." Hindi ganito si Yohan. Hindi siya magsisinungaling sakin, pero Bakit parang nag-iba na siya? 2 days ago pa 'yon, pero bakit parang Isang linggo na para sakin?

Ang sakit.

"Kaya ko PA maghintay, Yohan. Pero hindi ko alam kung Hanggang kailan pa. May gusto akong sabihin sa'yo, na dapat matagal ko na sinabi pero ngayon lang ako nagkaro'n ng lakas loob para sabihin sa'yo." Determinadong sabi ko sa kanya.

Akala ko papayag siya. Akala ko lang pala. Akala ko nanaman.

"Pwede ba Dessirie? Huwag ngayon. Pagod ako sa Practice, Pagod din ako sa lahat ng ginawa ko ngayong araw at Pagod din ako sa dami ng Iniisip ko. Pwede bang huwag ka munang dumagdag? Kaya mo pa naman maghintay 'di ba? It can wait naman siguro. 'Wag lang talaga ngayon." Sabi niya na Ikinasira ng Loob ko.

Pero binalewala ko lang 'yong sinabi niya at Tapang-tapangan na sinagot siya pabalik.

"Yohan, dalawang-araw na! Bakit hindi mo parin matanggap? Ito na nga eh! Sasabihin ko na sayo kung bakit ako nag-quit! Tapos sasabihin mo pa na 'kaya mo naman sigurong maghintay.' Yohan, tao lang ako. Oo, Napapagod ako. Pero pagod na pagod na talaga kasi ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako maghihintay sa'yo. Puro ka wait! Ilang beses na ba ako nag-antay sa'yo? Maraming beses na! Konti nalang Yohan, hindi ko na kaya. Kaya nga ngayon, akala ko ito na 'yong tamang oras para sabihin sa'yo lahat, pero mukhang ayaw mo naman akong pakinggan," Pinigilan ko yung mga Luhang inipon ko sa dalawang-araw na hindi niya pagpansin sakin,

I Miss Her (#AAA2017)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt