I Miss Her (11)

1K 42 0
                                    

Yohan's POV

Nasungitan ko tuloy si Dessirie dahil sa Poster na nakita ko and She's Encouraging me to Join the Band.

I've quitted music, long ago.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ko na bumalik sa Hilig ko dati. Bitter parin ba ako? Kahit alam ko naman sa Sarili ko na ako 'yong Nakipagbreak. Na alam ko namang naka move-on na ako.

Kung kailan nakilala ko siya sa Pagbabanda, gano'n din ang paghihiwalay namin. Gaya ng Pagbitaw ko sa Banda ko noon dahil sa mga ginawa niya. Masyado pa kasi akong mababaw dati pero kasi ngayon, Iba na. Marami na akong natutunan.

Masyado lang ba ako nagmahal noon?

Tsk.

"Yohan…"

Napalingon naman ako sa kanya. Si Dessirie, nakasunod pala sakin.

"Ano?" Mahinang bulong ko para walang makarinig.

"Bakit ba ayaw mo sumali don?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako at hinarap siya.

"Gaya nga ng Sinabi ko... Nag quit na ako sa ganun 'di ba?"

"Dahil ba sa kanya?" Seryosong tanong niya.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Siya parin ba?

"Kasi kung dahil sa kanyaWalang Mangyayari sa'yo. Kung ipagpapatuloy mo ang Pagbabanda, Sigurado akong marami kang haharapin dahil magaling ka." nakangiting sabi niya ngunit para sa aking pandinig iba.

Kaya nainis ako at nasigawan siya "Puwede ba?! Eh ano naman kasi sa'yo kung sasali ako o hindi?! Eh choice ko ngang huwag nang sumali eh!"  Sabay talikod ko at naglakad papalayo sa kanya.

Ngunit hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya sa akin na…

"Pasensya na talaga ha? Gusto ko lang naman na Marinig ka ulit Kumanta at Tumugtog habang may oras pa at saka isa 'yon sa mga dahilan kung bakit nagustuhan kita. Dahil don, Humanga ako sa'yo! Noong mga panahon na hindi mo pa siya nakikilala at hanggang sa Nakilala mo na siya. Pero sige kung wala na talaga akong magagawa, salamat sa Oras mo. Huwag ka mag-alala... Kung naiirita ka na sakin…  Hinding-hindi na talaga kita Guguluhin pa."

Napahinto naman ako at nang matapos niyang sabihin 'yon ay napaharap ako sa kanya... Ngunit sa pagharap kong 'yon ay Unti-unti naman siyang Naglakad hanggang sa Mawala siya sa Paningin ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng Kaba at Kirot sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon.

Gano'n ba 'yon kaya siya naging Stalker ko?

Dessirie's POV

Masyado ko ba siyang Mahal para hindi magawa 'yong mga sinabi ko na 'Para sa Future namin, magtatrabaho ako at hindi ko muna siya papansinin?'

Oo para sa taong nagmamahal, mahirap nga 'yon.

Nasobrahan na ata ako. Pinipilit ko yung may Ayaw.

Tama nga ako, Hindi parin siya nakaka move-on sa kanya. Kahit siya naman ang nakipag break.

Masyado kasing Maarte at Maganda si Cassandra. Ex ni Yohan.

Yung Tipong Maarte na minsan wala na sa hulog tapos ewan ko ba, kung bakit naging sila pa ni Yohan at Maganda rin ito dahil maraming may gusto sa kanya na sinasamantala niya naman to the point naging f-ck girl siya. Masyado niyang ginalingan!

Alam ko ang mga ginagawa ni Cassandra pero sino ba naman ako para mag sabi kay Yohan ng mga ginagawa ng shota niya?

Ni hindi niya nga ako kilala noon. Kahit na kilalang kilala ko siya, dahil nga friends ang parents namin. Tapos Noong mga bata pa kasi kami,bsuper best friends kami kaso hindi nabniya ata ako maalala.

Kasi Iniwan ko siya noon.
Lumipat na kasi kami ng Bahay sa Probinsya.

Namatay 'yong parents ko. 5 years na ang lumipas. Kaya naman pumunta ako sa Manila para makipag sapalaran at Mahanap si Yohan.

Sakto naman na nagpapart time Job ako sa Isang Beer House at nung time na 'yon ay nagbabanda siya. Kasama niya pa si Ace no'n at may Dalawa pa siyang kasama.

Kilalang kilala ko ang mukhang 'yon. Dahil kahit kailan hindi siya nawala sa Isip ko. Tsk. First Love Never Dies nga naman.

Hindi ko maiwasang maiyak. Naalala ko kasi yung pinagsamahan namin nung mga bata pa kami.

Tapos ngayon na mukhang Ayaw na niya akong makita pa. Hindi ko rin maintindihan si Yohan e. Nung nakaraan lang ang ayos ng pakikitungo niya sakin pero bakit ngayon? Hindi na.

Tutuparin ko na nga yung huli kong sinabi na 'Hindi ko na siya Guguluhin.'
Kasi masyado nang masakit at baka hindi ko na kayanin.

Napansin ko nalang na Palabas na pala ako ng Campus. Pupunta na nga lang ako sa Bake Shop ni Tita para magtrabaho. Tutal tapos naman na 'yong pag dadrama ko at 'yong Schedule ko sa araw na ito.

Sana lang talaga hindi ko nalang siya iniwan. Sana talaga nagpaalam nalang ako sa kanya. Pero Paano nga kaya kung hindi ako umalis? Meron bang 'kami.' Ngayon? O hanggang Bestfriend lang?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Note:

I Can't Sleep~ yuhooo~
Hehehe. #TagSipag. Yehet.
Rebelasyon na ituuuu.

😉😉😉😉

Litse talaga~

10/10/16
Monday
12:52AM

N

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now