I Miss Her (31)

535 20 15
                                    

A/N: Wala lang 'yan. Nagandahan lang ako sa Gawa ko 😂 ⇧⇧

---------------------------------------------------


Dessirie's POV

Nakita ko naman siyang naglalakad papasok sa Hospital. Bawat hakbang na Ginagawa niya, kapalit naman nun ay ang bawat pagbagal ng Hininga ko. Hindi ako makahinga nang Maayos sa nakikita ko.

Bakit nandito siya sa Hospital? Anong gagawin niya dito?

Hindi ako makaisip ng ibang dahilan para mag punta siya rito. Wala namang nagkaro'n ng Record sa Pamilya ni Yohan na may sakit. Healthy naman sila.

Pero ano itong nakikita nang dalawang mata ko? Bakit? bakit siya nandito?

Huminga ako ng malalim at tinatagan ang aking sarili para pumasok sa Loob ng Hospital. Kung mahina na siguro ako baka bumulagta na talaga ako rito. Atleast diretso Confine na. Pero gusto kong malaman… ano bang ginagawa niya dito?

Nang makapasok na ako sa loob… maraming pasyente ang nagkalat. May mga naka wheel chair, may naka saklay, may nakatayong may hawak ang kanilang Dextrose at mga Nurses na palakad-lakad habang ang mga Doctors naman ay nagche-check sa mga pasyente.

Lumapit naman ako sa Hospital Front Desk at nagtanong.

"Uh, Miss, May I ask If there's a Patient here named Yohan Mendez?"

"Wait a minute Ma'am." Sabi niya at nagtype sa Computer niya.

Mayamaya pa ay nakita kong pinindot niya ang enter button.

"Sorry, Ma'am. Pero wala pong Patient dito na Yohan Mendez, ang pangalan." Kahit pa paano naman medyo nakahinga ako ng maayos, pero hindi pa ako kuntento.

"Last nalang Miss, Nagpa-Schedule ba siya dito? I mean, kung may Schedule siya ngayong araw. Nakita ko kasi siyang pumasok dito kanina eh." Kung titingnan niya ako. Nagmama-kaawa na talaga ako. Gusto ko lang naman malaman…

Tiningnan niya naman ako at umiling-iling. "My Apologies, Ma'am, pero hindi po kami pwedeng magbigay ng ganyang Information sa Iba."

Nanlulumong tinanguan ko nalang siya. "Thanks." Ang sabi ko nalang at napaharap sa Hallway ng Hospital.

Kung walang Information na binigay sa 'kin... Edi ako nalang ang maghahanap. Desperada na ako sa lagay na 'to. Ilang araw ko na kasing hindi siya nakakausap. Nakakamiss at Ang Sakit na.

Sobrang Miss ko na 'yong mga Yakap at Halik niya. 'Yong mga Cheesy lines, 'yong mga kakornihan niya, 'Yong pagtitig niya sa'kin na minsan magugulat nalang ako sa pagmulat ko nang aking mata, e, siya agad ang bungad na may suot na malaking ngiti at kislap ng mata, sa mga pagsuyo niya sa tuwing nagpapabebe ako, at sa walang sawang ka-sweetan niya.

Sino nga ba ang hindi magtataka kung Isang araw biglang wala na, Wala na 'yong nakasanayan mo?

Hindi naman pwedeng mag-adjust ka kaagad kasi mahirap. Mahirap alisin 'yong mga nakasanayan mo na at Mahirap I-program sa katawan mo na, wala na at hindi mo na mararanasan pa ang mga 'yon.

Minsan pa nga, Ikaw pa 'yong may kasalanan kapag nagsawa ka na sa nakasanayan mo nang gawin. Hindi man lang nila naisip na, kailangan mo na palitan at alisin sa sistema mo 'yong mga nakasanayan mo, kasi sa panahon ngayon puro Uso na ang usapan. Kung saan ang Uso, do'n din ang madla at saka nasasayo rin naman 'yan e, kung Ginusto mong baguhin ang sarili mo.

Paano naman ako? Kahit sawang-sawa na ako sa mga nangyayari sa'kin, Sa mga nakasanayan ko. Hindi parin ako magbabago, kasi aanhin ko pa ang pagbabago ko kung umpisa palang, e, may nakaabang, nakasalo at tanggap niya ako?

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now