"Bakit? Sasaktan mo ba ako?" Naging parang bulong na ang boses ko pero sapat na para marinig ng pagkalahatan.

Nanlaki naman ang mga mata niya at bahagyang napatayo sa kinauupuan, "diffidently not!"

Napahalukipkip ako at napangisi, "edi dito lang ako."

Malakas siyang napabuga ng hangin. "Fine, if you say so." At padabog na muling umupo.

Nasaakin ang huling halakhak.

Ngayon ay hindi ko na nakikita ang mukha niya dahil sa nakatalikod na ito mula sa akin. Nananatiling tahimik ag paligid. Walang ni sinuman ang nagbabalak na magsalita o basagin lang man ito.

Ano bang hinihintay niya? Nakikipag-eye to eye lang naman siya sa dalawang nakagapos. Isang babae at isang lalake na ngayon ay ang sama parin ng titig sa akin. Hindi rin naman ako magpapatalo sa pagtitigan.

Napakurap ako ng bigla itong ngumisi. Kumunot ang noo ko. Problema nito?

"Where are they?" Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita sa harap. Walang iba kundi si Dark. Kahit hindi nakikita ang mukha nito ay alam ko walang kahit anong emosyon mula rito at isama na rin ang pananalita.

Naghintay kami ng sagot ngunit wala sa kanila ang nagsalita.

"I repeat, where are they?" Ulit nito.

Unti-unting naririnig ko ang halakhak ng lalake dahilan para mabaling namin ang atensyon sa kanya.

"Do you think we are brainless to tell, fvcker?" Aba't--- ang bastos ng pananalita nito a'.

Tinanong ng mabuti, sumagot ng pabalang.

Ilang segundong katahimikan ang namayani, "i said, where are they?"

Sino ba ang hinahanap ni Dark?

Ngayon naman ang babae ang humalakhak na ikinainis ko. "Wala kang makukuhang impormasyon sa amin,"

"Ah, really?"

"Yes," sagot ng huli.

"Kahit na patayin mo pa kami ay wala kang makukuha ni isang salita," Dagdag pa nito. "Nandiyan lang sila sa paligid, naghihintay ng pakakataon na mapatumba ka lalong-lalo na..." nilingon ako nito. "...sayo."

Napatili ako sa gulat ng biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril. Ngayon, nakikita ko ang walang buhay na babae. May tatlong tama ito sa dibdib at dalawa naman ulo.

Nilingon ko ang may pakana nito. At doon ay nakikita ko sa mga mata nito ang walang kahit na emosyon mula rito. Ni hindi siya nagdalawang isip na gilitan ito ng buhay.

"Useless..."

Nanginig ang mga tuhod at kamay ko sa sobrang kaba. Hindi ko inaasahan na ganito pala siya. Ang isang Dark na tahimik ngunit mapanganib ang nasaksihan ko sa gabing ito.

Ano bang pumasok sa isip ko at nananatili ako rito? Dahil ba sa na-curious ako o sa ibang dahilan. Oo, sa ibang dahilan. Gusto kong makita si Dark sa ibang katauhan. At ngayon ito ang resulta sa pagmamatigas ko.

"Now you're next," itinutok nito sa noo ang nguso ng baril ngunit agad naman nitong ibinaba.

Ngunit dinambahan niya ito ng malakas na suntok gamit ang baril.

"Shit," sambit ng lalaki. Siguro ay napakalakas nun kasi rinig ko ang pagtunog ng mga buto nito sa mukha.

Pagkatapos ay inilahad ang mga kamay at may inabot naman si Kidd na isang maliit na kutsilyo.

Teka, anong gagawin niya?

"That's too easy when I kill now," sabi nito habang pinaglalaruan ang hawak na kutsilyo.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora