CHAPTER 45

3.6K 51 9
                                    

AFTER 6 WEEKS...

"Chance sandali lang, parang.. parang kinakabahan pa din ako e, hindi kaya may kasama ng mga pulis ang mama mo at paglapit natin mamaya sa kaniya e po-posas-an nalang nila ko. baka ngayong araw na ito ipapakulong na pala ako ng mama mo"

pigil sakin ni jenny nang akmang bababa na sana kami ng kotse ko.

nandito kami ngayon sa bahay ng mama ko at sa nakalipas na isang buwan nakapag-usap naman na kami ng ina ko, nagkaayos na kami at nagkapatawaran. oo alam kong mali ang ginawa ni mama at hindi lang basta basta yung kasalanan niya sakin pero anong magagawa ko nangyari na ang nangyari and besides ina ko pa din siya at hindi naman puwedeng habang buhay magkagalit kami at wala ng kapatawarang mangyayari sa ginawa niya.

sa isang banda nagpasalamat din naman ako kay mama kasi kung hindi dahil sa ginawa niya hindi ko makikilala si jenny, hindi ko malalaman kung ano ang tunay na pagkatao ng ex fiance kong si martina at saan nga ba talaga siya masaya.

kung hindi dahil kay mama hindi ko ma-re-realize na mas mas masarap ang magmahal kung mahal ka din ng minamahal mo. what i mean is, dati kasi kay martina parang hindi ko masiyadong maramdaman na minahal niya talaga ako.. well, hindi nga naman talaga dahil yun nga tomboy pala siya at ginamit lang niya ako para itago ang pagkatao niya.

anyway to cut the story short, nagkausap na din kami uli ni martina at kagaya ng nangyari samin ni mama nagkapatawaran din kami. naisip ko, mas maganda yung makipag-ayos na ako sa ina ko at ex ko at wala naman ng sense para magalit pa ako sa kanila dahil masaya na ako ngayon. masaya ako sa piling ni jenny at sa kaniya, natagpuan ko ang happiness at true love na hinahanap ko talaga.

"jenny ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka ipapakulong ni mama okay. kung meron dapat gumawa nun. ako yun dahil ako yung pinagkaisahan ninyo at niloko pero hindi ko nga ginawa yun kasi after all ina ko pa din siya at ayaw ko siyang makita na nasa kulungan. ikaw naman, siyempre gilrfriend kita at mahal kita. hindi ko din gugustuhing makita na nasa kulungan ang jenny kong makulit.. saka paano kita iki-kiss at yayakapin kung sakaling nasa kulungan ka?"

pilyo ko pang saad sa huli at napapangiti nalang sakin si jenny.

"ganun? kiss talaga? kaya ayaw mo din pala akong ipakulong dahil lang sa kiss huh... pilyo mo din talaga e noh"

"hindi ako pilyo. nagsasabi lang ako ng totoo. ayokong makulong ka kasi nga mahal kita at ngayong alam kong mahal mo din ako at girlfriend na kita. siguro naman hindi masama kung hihiling ako sayo ngayon ng kiss diba?"

patuloy ko at napapailing nalang sakin si jenny.

"kiss talaga? as in dito ngayon sa kotse mo? e baka naman hinihintay na tayo ng mama mo?"

"okay lang yun at makakapaghintay naman si mama.. so ano miss. morales kiss na?"

pilyong hiling ko pa din kay jenny at siya naman ay kuway nag isip pa.

"hmm.. sige na nga baka kasi sabihin mo masiyado akong pakipot na girlfriend"

sa wakas ay pagpayag din ni jenny at nang akmang hahalikan ko na sana siya. agad niyang pinigilan ang labi ko sa pamamagitan ng kaniyang hintuturo at sinabing pumikit nalang ako at siya daw ang hahalik sakin.

"ha ganun? bakit pa? hindi ba puwedeng---"

"ah basta, ipikit mo nalang yang mga mata mo at ako na ang hahalik sayo. sige na dali na.."

giit pa din ni jenny at pakiramdam ko mukhang may kapilyahan na naman siyang naiisip gawin.

"bakit ba kailangang ikaw pa. sabay nalang tayo.. alam mo na kagaya ng dati"

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon