CHAPTER 13

3.8K 54 3
                                    

"So its you again. hindi ba't sinabi ko na sayo na ayoko ng makita ka pa.."

agad na bungad sakin ni martina nang mapagbuksan niya ako ng pintuan ng pad niya.

"martina please babe kailangan nating mag usap. wala naba talagang pagkakataon para maayos pa nating dalawa ang problema natin?"

pakiusap ko sa nakikiusap ng tinig at marahas naman na napabuntong hininga si martina habang nasa hitsura nito ang pagkainis dahil sakin.

"ayusin natin ang problema? seriously CHANCE? hindi pa ba tayo nagkakaintindihan kahapon? malinaw na malinaw na sinabi ko sayo na kahit ano pa ang gawin mo hinding hindi na natin maayos pa ang problemang meron tayo dahil dun sa babaeng nabuntis mo---"

"oh god martina! hindi ko nga siya nabuntis okay. hindi pa sigurado na sakin nga yung batang dinadala niya . saka isa pa ni wala talaga akong maalala na may nangyari samin at nagising ako sa isang hotel na kasama ko siya o ng ako lang. martina babe please. sa tatlong taon na relasyon nating dalawa. naging faithful ako sayo. kailanman hindi ako gumawa ng isang bagay na ikasasama ng loob mo dahil mahal kita at ayokong makita na nasasaktan ka dahil sakin. sa tingin mo ba kung kailan malapit na tayong ikasal e saka pa ako makikipag one night stand sa ibang babae.. oo ganun nga ako dati pero noon yun martina. hindi na ngayon. please babe nakikiusap ako. parang awa mo na ayusin natin ito"

sinubukan kong hawakan si martina sa kaniyang mga kamay ngunit pumiksi lang siya at lumayo sakin. kay sakit para sakin ang makita na galit sakin ang fiance ko.

"martina ano pa bang klaseng pakiusap at paliwanag ang kailangan kong gawin para maniwala ka sakin? para mapatawad mo ako?"

patuloy ko ngunit umiling iling lang si martina sakin.

"hindi ko alam chance. saka paano kung sayo nga talaga yung batang dinadala niya ha? ano? hindi mo ba siya pananagutan ganun? hahayaan mo nalang ba yung anak ninyo na maging isang bastardo?"

"siyempre hindi. kung talagang sakin nga yung batang yun. pananagutan ko yung anak ko pero hanggang dun lang yun. martina ikaw pa din ang gusto ko. ikaw ang gusto kong pakasalan at ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.. i love you.. please, please nakikiusap ako---"

agad kong niyapos ng mahigpit na yakap si martina ngunit nagpumilit siyang kumawala lang sakin at marahas niya akong itinulak sa aking dibdib.

"stop it chance! tama na! kagaya ng sinabi ko sayo kahapon ayoko na. tapos na tayo at kailangan mo ng gawin ang dapat mong gawin. at yun lang naman ay ang panagutan mo silang mag ina. im sorry pero hanggang dito nalang talaga tayo. thank you for everything CHANCE... again, goodbye!"

pagkatapos na pagkatapos ng sinabing yun ni martina. bago pa man ako makasagot uli. mabilis na nitong naisara ang pintuan.

panay nalang ang katok ko sa pinto at pakiusap kay martina na pagbuksan niya ako para pag usapan namin nito ang dapat pag usapan ngunit kahit anong gawin ko at sabihin ko. hindi na talaga niya ako pinagbigyan. palaging sinasabi ni martina na umalis na ako dahil mas lalo lang daw niya akong hindi mapapatawad kung ipagpipilitan ko ang gusto ko.

napatiim bagang nalang ako sa nangyayari at sa nadarama ko ngayon.

sa galit at sama ng loob na aking nararamdaman. natagpuan ko nalang uli ang sarili ko sa pub. umiinom ng alak at umaasa na sana sa pamamagitan niyon. kahit saglit, makakalaya ako sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"fuck!"

inis kong pagmumura sabay wala sa sariling nasuntok ko ang mesa dahil sa mga nangyayari sakin. damn it! bakit ba kailangang mangyari sakin ito? ano ba ang nagawa kong kasalanan para mangyari sakin ang ganito?

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now