CHAPTER 32

3K 52 2
                                    

Marahas nalang akong napa-buntong hininga nang makita ko paggising ko ngayong umaga wala na si jenny sa tabi ko. im not sure kung natulog nga ba siya o hindi sa tabi ko kasi kagabi nang iwanan niya ako ng walang sabi sabi dahil sa nangyari. agad din naman akong nakatulog dahil sa kalasingan ko.

yes, nakainom ako kagabi pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na naaalala ang mainit na tagpo na nangyari samin ni jenny.

oh god, hanggang ngayon hindi pa din talaga ako makapaniwalang kamuntikan ng may mangyari saming dalawa kagabi at inamin kong unti unti na akong nahuhulog sa kaniya. nang dahil sa tama ng alak na nainom ko kung anu ano na ang mga sinabi ko kay jenny at nagawa ko sa kaniya.

jesus christ! ano nalang kaya ang iniisip sakin ngayon ni jenny?

iiwasan na kaya niya ako ngayon dahil sa nangyari kagabi?

may gusto din kaya siya sakin? dahil kung hindi, bakit siya gumanti nang halikan ko siya?

oh fuck, lalo ng sumasakit ang ulo ko ngayon dahil sa kakaisip ko.

bakit ganito? kailan lang nang magkita at magkakilala kami ni jenny pero heto ako nahuhulog na ata ako ng tuluyan sa kaniya.

mahal ko na ba si jenny?

nah... attracted lang siguro ako sa kaniya. na-a-attract lang ako dahil na-realize kong masaya pala siyang kasama kahit na makulit at madaldal pa siya.

but wait, attracted nga lang ba talaga ako kay jenny? o mas higit pa dun ang nadarama ko ngayon para sa kaniya? dahil kung hindi masiyadong malalim ang nararamdaman kong ito ngayon para kay jenny, bakit ako naiinis sa tuwing makikita ko siyang kausap at kabiruan ang kaibigan niyang si MATTEO?

jeez, nalilito na talaga ako sa nararamdaman ko ngayon?

DAMN IT, CHANCE! ang gulo gulo mo!

marahas nalang uli akong napa-buntong hininga sa mga naiisip ko at bumangon na ako sa kama. nagsuot ako ng damit kong pang itaas saka ako lumabas ng kuwarto namin ni jenny.

habang sapo ko ang nananakit kong ulo, tinungo ko ang kusina at naabutan ko doon si jenny

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

habang sapo ko ang nananakit kong ulo, tinungo ko ang kusina at naabutan ko doon si jenny. nag iisa lang siya, nakatingin sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip.

iniisip ba niya yung nangyari samin kagabi?

"Jenny..."

untag ko dito at napapitlag naman si jenny dahil sa pagtawag ko sa kaniya at pagsulpot ko.

"h-hi chance! gising kana pala! good morning!"

masiglang pagbati ni jenny sakin.

bakit ganun? kanina lang mukhang problemado siya na ewan pero ngayon biglang sumaya ang hitsura niya? anong nangyari? gusto bang ipakita sakin ni jenny na hindi siya apektado sa nangyari saming dalawa kagabi?

well, kung yun ang ginagawa niya ngayon. too bad hindi ako maniniwalang wala lang sa kaniya ang nangyari samin kagabi pagkatapos ng nakita ko ngayon sa kaniya.

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now