EPILOGUE

6K 111 26
                                    

"ITIGIL ANG KASAL!"

Agad kaming napalingon ni jenny sa babaeng sumigaw na yun sa kalagitnaan ng seremonyas ng kasal namin at ang lahat ng mga taong nasa simbahan ay mukhang nasorpresa din dahil sa biglaang pagsulpot ng babae.

"Ma, what is this? may bago na naman ba kayong plano?"

salubong ang mga kilay na tanong ko agad sa mama ko dahil siya lang naman ang alam kong puwedeng gumawa uli sakin ng ganitong eskandalo.

"oh son, alam kong nagkamali ako at nagkasala ako dahil sa pangingilam ko sa kasal ninyo ni martina noon but not this time hijo, wala akong kinalaman sa biglaang pagsulpot ngayon ng babaeng yan dito"

todo ang iling na tanggi ni mama at ang sinunod ko naman na tanungin ay si martina.

yes inimbitahan din namin ni jenny ang ex fiance kong si martina sa kasal naming dalawa.

alam kong weird at akward ang ginawa namin ni jenny pero dahil sa naisipan namin na kung hindi din dahil kay martina at sa mga ginawa nito hindi sana kami magkikita ni jenny at magkakakilala.

by the way, alam na din ng pamilya ni martina ang tungkol sa pagka-tomboy niya, nung una ay nagalit sa kaniya ang mga magulang niya ngunit kalaunay tinanggap din naman siya kasama ang girlfriend nitong si stella.

kasama din ni martina ngayon si stella sa kasal namin ni jenny and oh goodness, kitang kita talaga sa dalawa na sobrang in love sila sa isa't isa.

jeezz hanggang ngayon talaga hindi pa din ako makapaniwalang nagka-girlfriend ako ng isang tomboy. anyway tapos na yun. ang mahalaga masaya na kaming lahat ngayon.

masaya? well hindi ko alam kung magagawa paba naming magsaya ngayon dahil sa babaeng biglaan na namang sumulpot sa araw ng kasal ko.

"what? ako? im sorry chance ha pero wala din akong kinalaman sa biglaang pagsulpot ng babaeng yan at saka bakit ko naman kailangan pang pigilan ang kasal ninyo ni jenny gayung sobrang happy na ako ngayon with my relationship kay stella, hello?"

tanggi din ni martina at ngayon ang huling binalingan ko namang tanungin e si jenny.

"a-ano? seryoso ka chance pati ba naman ako pag iisipan mo ng ganyan? wala akong kinalaman sa biglaang pagsulpot ng babaeng yan dito okay saka bakit ko naman sisirain ang sarili kong kasal at gagawa na naman ako ng sarili kong scandal?"

hindi makapaniwala at pagtanggi din ni jenny at agad naman akong nag-sorry sa kaniya dahil maging siya napagbintangan ko pa.

anyway, nang akmang tatanungin ko na sana ang babaeng nanggugulo ngayon sa kasal ko kung sino siya.

naunahan naman niya ako at muli siyang nagsalita.

"ah lalaking pogi at yummy i-im sorry pero nagkamali ako. napagkamalan lang kita. h-hindi pala ikaw yung boyfriend ko na nakabuntis sakin. hindi pala ito yung kasalan na kailangan kong sugudin ngayon, maling simbahan ang napuntahan ko. im so sorry.. sige lang ituloy niyo na ang kasal ninyo ng bride mo. nagkamali lang talaga ako. sige ba-bye.. best wishes sa inyo! good luck!"

napamaang nalang kaming lahat hanggang sa makaalis na ang babae at mga ilang segundo din kaming natahimik at natulala dahil sa pagkakamaling nagawa ng babaeng umeskandalo sa kasal namin ni jenny.

"aaah f-father nagkamali lang pala ng kasal na susugudin yung babae. wala na ho siya kaya sige po ituloy na uli ninyo ang seremonyas ng kasal. tirahin niyo na ulit, go!"

maya maya ay narinig kong wika ni jenny sa paring nagkakasal samin ngayon at muli ngang itinuloy ng pari ang seremonyas ng kasal na naudlot kanina dahil sa babae.

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now