CHAPTER 47

3.2K 37 2
                                    

CHANCE...

"Cheeerrsss!!!"

pareho naming sambit ni jenny at sabay naming ininom ang kaniya-kaniya naming champagne

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

pareho naming sambit ni jenny at sabay naming ininom ang kaniya-kaniya naming champagne. nandito kami ngayon sa condo ko at dito kami nagse-celebrate ng engagement namin.

"alam mo hanggang ngayon talaga hindi pa din ako makapaniwala na engage na tayong dalawa. parang ang bilis lang kasi. kailan lang nung nagkakilala tayong dalawa tapos para pa tayong mga aso at pusa nung mga unang araw na magkasama tayo. panay ang away natin then heto na engage na tayo.."

sabi sakin ni jenny pagkatapos namin sumimsim ng kaunting champagne.

"ako din, hindi din ako makapaniwala na kaya ka lang pumayag na pakasalan ako e dahil sa pumayag akong hawakan yung alaga mong si keroppi"

pareho nalang kaming natawa ni jenny sa sinabi ko at sumimsim uli siya ng kaunti sa kaniyang champagne bago nagsalita.

"alam mo masaya ako na maayos na tayo ngayon. na wala ng pagpapanggap ang nakapagitan sating dalawa at hindi na ako nai-stress sa kakaisip kung paano ko ba lulusutan ang utang na loob na kailangan kong bayaran sa mama mo.. haaay.. naalala mo yung time na pinipilit kitang samahan akong kumain tapos ayaw mo?"

"alin? yung time na pinilit mo akong sabayan kang kumain at sinabi mo pa sakin na kung hindi ako sasama sayo baka maging sinto sinto ang dinadala mo?"

medyo natawa uli si jenny sa alaalang yun habang ako ay napapailing nalang.

"oo yun nga.. sa totoo lang ayoko naman talagang gawin yun e. ayokong pilitin ka na sumama sakin kaso kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil yun ang utos sakin ng mama mo. alam mo bang guilty'ng guilty ako ng araw na yun. alam ko kasi kung gaano na ako nakakaperwisyo sa buhay mo dahil sa mga ginagawa ko sayo. sorry ha, pasensiya kana uli sa mga ginawa ko--"

"jenny wala na yun. tapos na yun. ang mahalaga okay na tayong dalawa ngayon kaya please kalimutan mo na ang tungkol sa mga nangyari sating yun. alam mo ba nagpapasalamat pa nga ako sa ginawa ninyo ni mama e kasi kung hindi niyo ginawa yung mga ginawa ninyo, hindi ko malalamang tomboy pala si martina at ginagamit lang niya akong panakip sa pamilya niya para itago ang tunay na siya.. saka siyempre hindi din kita makikilala.. hindi ko matatagpuan yung babaeng nagpapasaya sakin ngayon at nakatakda na makasama ko habang buhay at ikaw yun"

pahayag ko at kay laki naman ng ngiti ni jenny sa huli kong sinabi.

pahayag ko at kay laki naman ng ngiti ni jenny sa huli kong sinabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now