CHAPTER 54

4.1K 46 1
                                    

CHANCE...

Seryoso at galit na hitsura ni janus ang bumungad sakin nang pagbuksan niya ako ng kanilang gate. marahil galit din sakin ang kapatid ni jenny dahil sa nangyaring pagtatalo naming dalawa isang linggo na ang nakakaraan.

alright nandito nga ako ngayon sa pangasinan. naisipan kong bumiyahe papunta dito pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ni ETHAN.

tama si ethan sa sinabi niya sakin kanina. kailangan na naming mag-usap ni jenny at ayusin ang anumang kailangan naming ayusin bago pa lumala ang lahat.

sana naman maayos nga namin ni jenny ang problema naming dalawa ngayon at mapatawad niya ako sa ginawa ko sa kaniya.

"hi janus, kamusta? uhm.. ang ate mo nandiyan ba? gusto ko sana siyang makausap."

medyo alanganin kong wika sa kapatid ni jenny dahil sa seryoso pa din nitong hitsura.

"wow pagkatapos ng isang linggong hindi ka nagpakita o nagparamdam sa ate ko, may lakas kapa din ng loob na magpunta dito---"

"janus alam kong galit ka sakin ngayon dahil sa nangyayari samin ng ate mo at sa maniwala ka man sakin o hindi. hindi ko sinasadya o ginustong magtalo kami. look, im sorry---"

"sorry? kuya chance hindi ka dapat sakin mag-sorry kundi kay ate dahil sa kaniya ka nagkamali. alam mo pasalamat ka at umabot ka sa dalawang linggong palugit ni ate sa hinihingi niyang sign dahil kung hindi, hahayaan kitang mabulok sa labas ng gate namin at hinding-hindi kita hahayaang makapasok ng bahay namin para lang makausap mo ang ate ko"

galit na saad ni janus sakin at naguguluhan naman ako sa SIGN na sinasabi nito.

"naguguluhan ako? dalawang linggong palugit tungkol sa hinihinging sign ng ate mo? anong sign naman yun?"

"kung anuman yun. kami na ng ate ko ang nakakaalam tungkol dun. halika na, pumasok kana nga lang bago pa magbago ang isip ko at hayaan talaga kitang mabulok sa labas ng gate namin"

wika ni janus ng hindi na ipinaliwanag pa ang tungkol sa sign na tinatanong ko saka siya naglakad papasok ng kanilang bahay at sumunod nalang ako.

"hayun si ate. nasa silong ng mangga umiinom ng mag-isa dahil sa kagagawan mo. hindi ka daw kasi nagpaparamdam sa kaniya kaya hayan masamang masama ang loob dahil sayo.."

napapailing na sabi ni janus nang matapos niyang ituro sakin ang kinaroroonan ni jenny sa di kalayuan.

sa nakikita ko mukhang lasing na nga si jenny at masamang masama ang loob nito ngayon dahil sa nangyari samin.

"alam mo bang kanina ko pa sinasaway si ate na tumigil na sa paglalasing niya kaso ayaw niya e. ang tigas din talaga ng ulo niya at hindi ko siya masaway-saway sa paglalasing niya dahil sayo.. alam mo kuya chance mabuti pa puntahan mo na siya, mag-usap na kayong dalawa ni ate bago pa lumala ang lahat at tuluyan na nga siyang mabaliw dahil sa nangyari sa inyo at sa kagagawan mo.."

patuloy ni janus at hindi ko akalain na ganito pala siya ka-prangkang magsalita kapag galit. nung una kasi kaming magkita at magkakilala. ang tingin ko sa kaniya sweet siya at mukhang hindi marunong magalit pero tama nga si jenny sa sinabi niya sakin nun. nagmana nga ang kapatid niya sa tatang nila na sweet pero kapag nagalit e sobra.

anyway ipinilig ko nalang ang ulo ko sa naiisip ko at nang akmang magpapasalamat nalang sana ako kay janus despite sa mga sinabi niya sakin. walang sabi-sabing iniwan naman na niya ako para hayaang makapag-usap kami ng masinsinan ng ate nito.

JENNY...

"Lord bakit ganun ang tagal naman hong dumating nung sign na hinihingi ko sa inyo? malapit na pong matapos ang dalawang linggong palugit na hinihingi ko para magpakita sakin si chance ngunit hanggang ngayon wala pa din siya. bakit naman ho ganun? ang tagal po niyang dumating? darating pa ba siya o hindi na? kaya ba hanggang ngayon e hindi pa din siya nagpapakita sakin e dahil hindi talaga kami ang para sa isa't-isa?"

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now