CHAPTER 39

2.9K 40 1
                                    

JENNY...

Habang nasa bus at nasa daan na kami ng kapatid ko pauwi samin sa pangasinan. mga ilang oras na din kaming bumabiyahe ngunit hanggang ngayon hindi pa din talaga ako tumitigil sa pag iiyak ko dahil sa sakit na nadarama ko sa nangyari samin ngayon ni chance.

mahal ko si chance, oo mahal ko na talaga siya at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang magpatuloy ngayon ng hindi ko siya nakikita, nakakausap at nakakasama.

"Chance... im so sorry... i love you..."

wika ko sa pagitan ng paghikbi ko at naawang nakatingin nalang sakin ang kapatid ko.

"sinabi ko na kasi sayo ate nung una pa lang, problema yang gagawin mo. so ano nakita mo na? nag-kanda-gulo gulo ngayon ang buhay mo dahil sa ginawa mo at hindi lang yun panay pa ang iyak mo ngayon sa lalaking niloko mo. aba ate hindi kapa ba mauubusan ng luha niyan?. mula nung umalis tayo sa bahay ni kuya chance umiiyak kana. magpahinga ka din naman pag may time at baka ma-dehydrate kana niyan"

pagbibiro pa sakin ng kapatid ko sa huli ngunit hindi ko magawang tumawa dahil sa lungkot at emptiness sa puso ko na nararamdaman ko.

namimis ko na si chance.. gusto ko siyang makita at makasama uli ngayon din pero paano mangyayari yun kung ayaw na niya akong makita pa kahit kailan dahil sa ginawa kong panloloko sa kaniya.

"janus ang sakit, sakit.. sobrang sakit.. mahal ko na si chance.. mahal ko siya.. gusto ko siyang makita at makasama pero alam kong hindi na mangyayari yun dahil sa galit niya sakin"

umiiyak kong saad sa kapatid ko sabay napasubsob nalang ako sa mga palad ko at doon ako umiyak ng umiyak. naramdaman ko naman ang paghagod ng kapatid ko sa aking likod na para bang sa pamamagitan niyon e maiibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon.

"ate tama na, kahit naman umiyak ka ng umiyak diyan wala naman mangyayari e. alam mo imbes na nag-se-senti ka ngayon dahil kay kuya chance, mabuti pa sigurong isipin mo nalang yung mga puwede mong sabihin kay tatang mamaya oras na magkita kayong dalawa"

mas lalo nalang akong napaiyak sa sinabi ng kapatid ko dahil sa takot ko din ngayon sa paghaharap namin ng tatang ko.

diyos ko po lord, paano ko ba ipapaliwanag sa ama namin ni janus ang kagagahang ginawa ko. maintindihan kaya ni tatang ang dahilan ko o ang paliwanag ko? malamang hindi.

mas lalo na akong napahagulhol sa huli kong naisip at ramdam na ramdam ko naman ang mga ilang pares ng mga mata na nakatingin na sakin ngayon dahil sa pag-nga-ngawa at BEST ACTRESS ko.

pero care ko sa kanila. e sa malungkot ako e at kailangan kong ilabas ang nararamdaman kong ito sa pamamagitan ng pag iyak ko dahil kung hindi , baka mabaliw ako.

letseng utang na loob. nang dahil sa utang na loob ko na-todas na talaga ang life ko, hindi lang buhay ko ang nagambala ngayon kundi pati puso ko umiiyak na dahil sa sobrang na-HEART BROKEN talaga ako ngayon kay chance.

alright hindi naman naging kami pero masakit pa din e. masakit talaga ang nangyari saming dalawa at ang mas lalo pang nakakasakit sakin ngayon e ang nasaktan ko siya.

CHANCE...

Sunod sunod ang ginawa kong pag-do-doorbell sa harap ng pintuan ni martina nang ako ay makarating sa pad niya. wala pang isang minuto agad namang nagbukas ang pinto at bumungad sakin ang isang babaeng napakaganda ngunit hindi ko kilala.

base din sa hitsura ngayon ng babae mukhang hindi niya inaasahan na ako ang makikita niya.

"ako si chance, ako ang ex fiance ni martina. nandiyan ba siya?"

medyo rude kong bungad sa babae at nang hindi pa din siya umiimik muli akong nagpatuloy.

medyo rude kong bungad sa babae at nang hindi pa din siya umiimik muli akong nagpatuloy

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Marry me, I'm Pregnant!Onde histórias criam vida. Descubra agora