CHAPTER 53

3.3K 33 1
                                    

"So ano jenny kamusta na yung mga pinapalakad ko sayong mga dokumento mo na kailangan mong ayusin, okay naba? naayos mo naba lahat?"

tanong sakin ni tiyang ada ngayong nag-cha-chat kami sa skype at nakangiti namang sumagot ako sa kaniya kahit malungkot ako ngayon dahil kay chance.

"yung mga iba hong dokumento tiyang ada tapos ko na at baka ho hanggang sa mga susunod na linggo matatapos ko na din lahat"

"ah ganun ba? edi maayos kung ganun at sana lang talaga matapos mo na para naman makarating kana din dito sa amerika diba?"

natutuwang pahayag ni tiyang at kagaya kanina pinilit ko nalang ang sarili ko na ngumiti sa kaniya.

napansin naman ni tiyang ada ang pilit kong pag-ngiti at hindi nito naiwasan ang tanungin ako.

"oh jenny bakit parang matamlay ka? masama ba ang pakiramdam mo? may problema na naman bang nangyari diyan sa inyo?"

puna sakin ng tiyang ko at hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kaniya ang gumgulo ngayon sa utak ko.

sa loob kasi ng isang linggong nakalipas wala akong ibang inisip ng inisip kundi si chance at ngayon nalulungkot talaga ako dahil sa nangyayari samin ngayon.

mula nung huling magtalo kami dahil sa desisyon ko pa ding makaalis papunta ng amerika hindi na namin nagawang magkaayos pa ni chance hanggang sa makabalik na siya ng manila.

"okay lang po ako tiyang, medyo napagod lang ho ako sa trabaho ko kanina. ang kukulit ho kasi ng mga estudyante ko. napagod ako sa kakasaway sa kanila."

kaila ko nalang sa tiyahin ko at mukha namang hindi siya convince sa naging sagot ko.

"sigurado ka ba diyan jenny? kilala kita. alam ko kapag may problema ka o may dinadamdam ka? sabihin mo sakin yung totoo. may problema kaba ngayon o wala?"

pamimilit ni tiyang ada na umamin ako at alam kong hindi siya titigil hanggang hindi ko inaamin sa kaniya ang problema ko ngayon. kunsabagay mga ilang taon din kaming nagkasama ni tiyang ada sa iisang bahay kaya kilala na niya ako at alam na niya kung kailan ba ako okay o may problema ako. mga bata palang kami ni janus kasama na namin siya. dito din siya nakatira sa bahay noon at isa din siya sa kapatid ng tatang ko. nagkahiwalay lang naman kami ng magka-asawa si tiyang ada ng amerikano nung college ako at yun nga, mabibilang nalang sa daliri ang mga paguusap namin o kamustahan dahil sa masiyado na siyang naging abala sa kaniyang trabaho sa amerika at pati na din sa sarili niyang pamilya.

"jenny, tapatin mo ako. may problema ka noh? umamin ka.."

muli ay tanong sakin ni tiyang ada ng hindi pa din ako umiimik at wala akong nagawa kundi ang umamin na nga sa kaniya.

"si chance po kasi tiyang e. hindi po kami okay ngayon.. isang linggo na ho kaming hindi naguusap simula nung magtalo kami tungkol sa pagpunta ko diyan.. ayaw kasi ho niyang umalis ako dahil ayaw niyang magkalayo kaming dalawa at ayaw ho niya ng long distance relationships"

pag-amin ko sa tiyahin ko at sa nakikita ko sa hitsura niya ngayon. mukhang inaasahan na din niyang yun ang isasagot ko.

"sinasabi ko na nga ba e. nung una pa lang bago ko pa man sabihin sayo ang tungkol sa pagpunta mo dito, alam ko ng hindi ka talaga papayagan ng boyfriend mo sa pag alis mo dahil siyempre ayaw niya ang magkakalayo kayo. pero alam mo jenny kung talagang mahal ka ni chance dapat hayaan ka niyang makaalis at rerespetuhin niya ang anumang desisyon mo---"

"e tiyang pumayag naman na ho si chance na makaalis ako e----"

"o e pumapayag naman pala. so anong problema?"

Marry me, I'm Pregnant!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن