CHAPTER 1

11.1K 170 9
                                    

"A ano pong sinabi ninyo? kailangan ko hong pigilan ang kasal ng anak ninyo at kailangan ko ding magpakasal sa kaniya?"

gilalas kong tanong nang matapos kong marinig ang utang na loob na dapat kong bayaran sa matandang ginang dahil sa pagpapagamot nito sa tatang ko.

alright, ganito ang nangyari...

four days ago nang atakihin sa puso ang tatang ko. nang mangyari yun. agad ko siyang dinala noon sa hospital para ipagamot at doon nalaman ko sa mga doktor na malubha ang kaniyang kalagayan at sa lalong madaling panahon kailangan din siyang ma-operahan.

sinabi pa sakin ng doktor na mas makakabuting dalhin ko sa maynila ang ama ko upang ipagamot dahil ang mga hospital samin sa probinsiya ay walang sapat na kagamitan para sa maselang gagawing operasyon sa tatang ko.

kaya naman dahil dun, kahit alam kong wala kaming pera dinala ko pa din ng maynila ang tatang ko upang ipagamot nga ito at para na din sa operasyon nito.

tungkol sa kaniyang pag-pa-pa-opera. heto nga simula nang dumating kami dito sa maynila. wala na akong ibang ginawa kundi ang maghanap ng tulong para sa pagpapagamot niya at halos maloka-loka na talaga ako dahil sa kakahanap ng taong puwedeng tumulong samin ng tatang ko.

kahit saan ako magpunta o ano pa ang gawin ko. wala talaga akong mahingian ng tulong para sa tatang ko. pambihira talaga dito sa maynila oo! wala talaga akong mahingian ng tulong dito. at dahil sa kalituhan ko kung saan ako hahanap ng tulong para sa tatang ko, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng simbahan. taimtim na umuusal ng dasal para humingi ng tulong sa diyos. na sana ay matulungan niya kami ng tatang ko na makakita ng taong puwedeng tumulong samin.

agad namang dininig ni papa god ang dasal ko dahil paglabas ko palang ng simbahan. may isang babaeng medyo may edad na ang lumapit sakin at inalok ako ng tulong para sa pagpapagamot ng tatang ko.

wait! kung tatanungin ninyo ako kung paano nalaman ng matandang ginang ang problema ko. kanina habang nananalangin ako. ika nga parang sa cellphone naka-loud speaker lang naman ako at hindi ako naka-silent mode kaya narinig ng matandang ginang ang mga hinaing ko.

oh well, sabihin nalang nating sinadya ko talagang manalangin ng naririnig ng ibang tao nang sa ganun malaman nila ang problema ko at dahil dun, baka may maantig ang puso na puwedeng tumulong samin ng tatang ko.

sa tingin ko nag-work nga ang ginawa ko dahil heto ako ngayon kasama ang matandang ginang at handa niya kaming tulungan ng ama ko sa kaniyang pagpapagamot.

anyway, mabalik tayo sa usapan. so yun nga inalok ako ng ginang ng tulong at dahil sa aking tuwa. kulang nalang talaga halikan ko ang mga paa nito dahil sa saya at kapanatagan na aking nadarama.

mula sa simbahan sumama sakin ang matandang ginang papunta ng hospital para kay tatang.

tuwang tuwa ako nang sabihin niya sa doktor na siya na ang bahala sa lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng tatang ko pati na din sa gagawing operasyon dito. sa tuwa ko uling nadarama. wala uling patid ang ginawa kong pasasalamat sa kaniya dahil sa napakalaking tulong niya. hanggang sa... nagulat na lamang ako nang sabihin nitong hindi daw libre ang ginawa niya.

NGE! SERYOSO? ang akala ko p naman hulog na siya ng langit dahil sa pagtulong niya. yun pala kailangan ko ding bayaran ang napakalaking utang na loob ko sa kaniya.

to cut the story short, nandito na kami ngayon ng ginang sa hospital canteen at heto nga, pinaguusapan na namin ngayon kung paano ba ako makakabayad sa utang na loob kong dapat bayaran sa kaniya.

"bingi kaba? o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang? oo nga e diba? kailangan mong magpanggap na buntis ka at kailangan mong magpakasal sa anak ko para hindi matuloy ang kasal nila nung babaeng ayoko sa anak ko"

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now