CHAPTER 48

3.3K 47 2
                                    

CHANCE...

Paggising ko ng umaga wala na sa tabi ko si jenny.

anong oras kaya siya gumising?

hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na may nangyari na saming dalawa kagabi. pakiramdam ko parang nasa langit pa din ako sa sayang nadarama ko dahil kay jenny.

tama ang sinabi sakin nun ni matteo, si jenny ang babaeng minamahal at sineseryoso. hindi siya basta-basta at bihira kang makakakita ng isang babaeng katulad niya.

ngayong sakin na talaga si jenny, engage na kami at may nangyari saming dalawa. hinding hindi ako makakapayag na mawala siya sakin. sa lalong madaling panahon kailangan na naming magpakasal. nang sa ganun wala ng kawala pa sakin si jenny at wala ng ibang puwedeng mag-ma-may ari sa kaniya kundi ako lang.

napa-hugot ako ng isang malalim na hininga sa naiisip ko at napapangiti nalang din  ako.

goodness, in love na nga talaga ako kay jenny.

anyway, bumangon na ako sa kama. nagtungo muna ako sa banyo para ayusin ang sarili ko at pagkatapos nun, saka ako dumiretso ng kusina para mag almusal at makita si jenny. base nalang sa ingay na naririnig ko mula sa kusina at sa amoy ng pagkaing naaamoy ko. alam kong nasa kusina si jenny at abala siya ngayon sa pagluluto ng almusal namin.

ganun naman palagi si jenny kapag nasa condo ko siya. magigising nalang ako at makikita ko siyang nasa kusina na, nagluluto o di kaya naman nakapag-handa na siya ng alumsal.

ang suwerte ko talaga sa fiance ko dahil hindi lang siya bukod sa maganda, masipag at mabait. masarap pa siyang magluto at maalaga.

yun ang mga katangian ni jenny na kailanman hindi ko nakita o naramdaman kay martina nung kami pa.

jeeez, nagpakatanga din talaga ako kay martina nung kami pa dahil kahit na hindi ko masiyadong maramdaman na mahal niya ako at hindi man lang niya ako inaalagaan o sweet siya tulad ng ginagawa ni jenny sakin ngayon, nagbulag bulagan ako para kay martina nun dahil mahal ko siya.

minahal ko si martina at nirespeto pero kahit kailan hindi ko naramdaman sa kaniya ang pagmamahal at pagaalaga na nararanasan ko ngayon kay jenny. oh god bakit ko ba iniisip ang ex kong yun? sinabi ko na ngang kakalimutan ko na ang masasamang nangyari ngunit heto ako naaalala ko na naman ang mga ginawa ng ex ko.

ipinilig ko nalang ang ulo ko sa mga naiisip ko. itinuon ko nalang ang sarili ko sa pagpunta sa kusina at nang makarating ako dun. nakita kong abala nga si jenny sa pagluluto ng almusal naming dalawa.

 nakita kong abala nga si jenny sa pagluluto ng almusal naming dalawa

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

dahil sa nakatalikod si jenny sa gawi ko. dahan dahan akong lumapit sa kaniya at nang nasa likuran na niya ako. walang sabi sabing niyakap ko si jenny at nagulat naman siya sa ginawa ko.

"diyos ko chance nakakagulat ka naman, akala ko kung sino na?"

reaksyon ni jenny sa ginawa ko at natawa naman ako.

Marry me, I'm Pregnant!Kde žijí příběhy. Začni objevovat