CHAPTER 38

3K 48 10
                                    

kulang nalang paliparin ko ang minamaneho kong sasakyan upang makarating ako agad sa malaking bahay namin para komprontahin si mama tungkol sa sinabi sakin ni jenny.

gusto kong malaman kung nagsasabi nga ba siya sakin ng totoo. at kung sakali mang totoo nga ang sinabi ni jenny. oh god, hindi ko alam kung makakaya ko bang patawarin ang mama ko.

makalipas ang ilang minuto, nang sa wakas ay nakarating din ako sa bahay namin at mai-park ko ang sasakyan ko sa garahe, nagmamadali akong bumaba ng kotse at kulang nalang lumipad ako dahil sa bilis ng mga hakbang ko papasok sa loob ng bahay namin.

"Ma! nasaan ka?! ma!"

sigaw ko sa buong kabahayan namin habang hinahanap ko ang magaling kong ina.

"mama! where are you?! ma---"

"good afternoon sir"

"si mama nasaan?"

sa halip ay tanong ko sa kasambahay naming sumalubong sakin imbes na batiin ko din siya.

"e sir nasa study room po ang mama ninyo, nag--"

hindi ko na pinatapos ang kasambahay namin sa kaniyang sasabihin pa sana at nagmamadali na ako ngayong tinutungo ang study room para ma-kompronta si mama.

nang ako ay makarating, padabog kong binuksan ang pintuan ng study room at mukhang nagulantang naman si mama sa biglaang pagsulpot ko.

"hi son! kamusta hijo, what a sweet surprise at----"

"we need to talk"

seryoso ang hitsurang pag-i-interrupt ko agad kay mama at lumayo din ako sa kaniya nang akmang sasalubungin sana niya ako ng yakap.

"woah mukhang seryoso ata ang pag-uusapan natin ha son? parang galit ka.. may nagawa ba akong mali?"

reaksyon ni mama sa inasal ko at nginisian ko lang siya ng nakakaloko.

"yes ma, tama ka. seryoso talaga ang paguusapan nating dalawa ngayon at ang gusto ko. sana umamin kayo sakin, sana sabihin niyo sakin yung totoo--"

"totoo? anong totoo? hindi kita maintindihan chance? linawin mo nga ako, ano ba ang kailangan kong aminin sayo?"

pagmamaang-maangan pa ni mama at hindi ko maiwasan ang magtagis lalo ang mga bagang ko dahil dun.

"ano ang kailangan niyong aminin sakin? puwes lilinawin ko sa inyo ma at makinig kayo. 5 days ago, nabagok ang ulo ni jenny at sa sobrang pag aalala ko sa kaniya at sa baby naming dalawa, agad ko siyang dinala ng hospital---"

"what?! si jenny dinala mo siya ng hospital?!"

"oh yes ma, at alam mo ba kung ano ang nalaman ko ha, nalaman ko lang naman that time na may appendicitis si jenny at kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, malalagay sa alanganin ang buhay niya. that time ma, sobra akong nag alala sa kalagayan ni jenny at sa baby naming dalawa. tinanong ko ang doktor kung hindi ba delikadong operahan si jenny dahil buntis siya and to cut the story short, sa bandang huli nalaman ko lang naman na hindi pala tunay na buntis si jenny at nagpanggap lang siya!"

pagkukuwento ko sa aking ina at para namang namutla siya sa mga narinig niya.

"alam niyo ma, galit na galit ako sa ginawang yun sakin ni jenny, pinaniwala niya ako sa lahat ng mga kasinungalingan niya at pagpapanggap niya. pero alam niyo ma kung ano ang mas nakakagalit ha, e yung malaman ko kay jenny na may kinalaman kayo sa pagpapanggap niya! kanina nagpunta siya sa bahay ko at nag usap kaming dalawa, sinabi niya sakin ang lahat ng tungkol sa deal ninyo at sinabi niya saking kayo ang may utak ng lahat, inutusan niyo si jenny na sugudin ako sa simbahan at pigilan ang kasal namin ni martina, magpanggap na nabuntis ko siya at kailangan niya akong pilitin na pakasalan siya. tell me ma, aminin mo sakin, totoo ba? totoo ba ang lahat ng mga sinabi sakin ni jeny ha?"

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now