CHAPTER 5

5.1K 77 0
                                    

"Wow ang ganda ng bahay mo ah. condo unit ang tawag dito noh?"

namamanghang sambit ng makulit na babae nang kami nga ay pumasok sa loob ng condo unit ko. hindi nalang ako umimik sa sinabi nito at nagtuloy nalang ako sa kusina para kumuha ng alak na maiinom.

sa ngayon wala akong ibang nasa isip kundi ang maglasing nalang dahil sa mga nangyari sakin ngayon dahil sa kagagawan ng babaeng kasama ko.

seriously? kasama ko ngayon sa bahay ko ang babaeng nanggugulo ng buhay ko.

nang lumabas ako ng kusina para balikan ang babaeng iniwan ko sa sala. nakita ko siyang abala sa pagmamasid sa ka-buo-an ng bahay ko. tumingin ito sakin nang maramdaman niyang nakatingin lang ako sa kaniya.

"maganda itong bahay mo ah. perfect siya sa personality mo"

tatango tangong komento nito sa bahay ko habang inililibot ang paningin.

"uhhmm.. anyway, nasaan naman ang kuwarto natin?"

kapagkuwan ay tanong niya at napa-kunot noo naman ako dahil sa narinig kong sinabi nito.

"pakiulit nga yung sinabi mo? natin? kuwarto natin?"

balik tanong at pangongonpirma ko dito.

"oo natin? kuwarto nating dalawa "

sagot nga nito at hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa na ewan sa sinabi nitong yun.

"are you serious? kuwarto nating dalawa? at ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mong yan? matutulog ka kung saang kama din ako natutulog ganun ba?"

hindi makapaniwalang mga tanong ko dito at mukhang seryoso naman uli ito sa sinabi.

hindi makapaniwalang mga tanong ko dito at mukhang seryoso naman uli ito sa sinabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"oo ganun na nga. mula ngayon magkasama na tayong matutulog sa iisang kama. hindi naman siguro masikip ang kuwarto mo at maliit lang yung kama mo diba. siguro naman kasya na tayo---"

"look kung ano man yang sasabihin mo huwag mo ng ituloy yan dahil ni sa panaginip mo hindi mangyayari yang gusto mo. sumusobra kana alam mo ba yun? pagkatapos mong sirain ang kasal ko, guluhin ang buong araw ko at pumayag pa akong patirahin ka dito sa bahay ko kahit hindi naman kita kilala e ginawa ko pa din para lang diyan sa dinadala mo. tapos ngayon pati kuwarto ko kukunin mo"

"hindi ko naman sinabing kukunin ko ang kuwarto mo. ang sabi ko lang----"

"alright i get it. gusto mo na nasa iisang kuwarto tayo. gusto mong maki-share ng kama sakin diba? puwes hinding hindi mangyayari yang sinasabi mo okay dahil una hindi kita kaanu-ano. pangalawa, hindi kita girlfriend o fiance at pangatlo, lalo na ang asawa. kaya bakit kailangan nating mag-share ng kuwarto ha? alam mo, ako ang may ari ng bahay na ito at dahil sa akin ang bahay na ito. ako ang magdedesisyon kung ano ang gusto ko o dapat kong gawin. at isa na dun ang pagdesisyunan kung saan ka dapat matulog. dito ka sa sala at ako naman doon sa kuwarto ko maliwanag?"

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now