CHAPTER 41

3.2K 47 5
                                    

JENNY...

"Students yung sinabi ko sa inyo ha, walang mangongopya. ang mahuhuli kong nangongopya ipapatawag ko talaga ang mga parents niya. naiintindihan ninyo? no cheating okay.."

sabi ko sa mga estudyante ko habang sinasagot nila ang quizzes na isinulat ko sa blackboard ngayon sa kanilang one whole sheet of paper.

habang naglalakad at abala ako sa pagmamanman sa kanila, nakarinig ako ng marahang pagkatok sa pintuan ng classroom namin at nakita kong si madame principal pala yun ng school namin.

inutusan ko naman ang mga estudyante ko na batiin sandali ang principal ng school namin at nang matapos nga, muli ay sinabihan ko sila na huwag mangongopya dahil kung hindi, ibabagsak ko agad sila.

"walang cheating okay. baka kala niyo kahit nakatalikod ako nakikita ko kayo, may mga mata din ako sa likod ng ulo ko.."

kunway sabi ko pa sa mga estudyante ko bago ko tuluyang nilapitan ang madame principal ng school namin.

"hello po madame principal, kamusta po?"

nakangiti at magiliw kong pagbati nang makalapit ako sa school principal na nasa edad ng 60 paitaas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

nakangiti at magiliw kong pagbati nang makalapit ako sa school principal na nasa edad ng 60 paitaas.

medyo alanganin naman siyang ngumiti sakin bago niya ako sinagot at ibig ko nalang magtaka.

"heto mabuti naman jenny, salamat.. ikaw? kamusta naman ang tatang mo?"

"heto okay lang din po kahit paano. masaya po ako na nakabalik na uli ako sa pagtuturo ko. yung tatang ko naman ho, hayun sa awa ng diyos ayos na din po siya."

"mabuti naman kung ganun jenny. nga pala kaya ako nagpunta dito e gusto ko sanang sabihin sayo na mamaya pagkatapos ng klase mo ngayong umaga kung puwede sana. dumaan ka sa opisina ko. kailangan kasi kitang makausap"

pahayag ng madame principal sakin at parang ibig ko talagang magtaka dahil sa medyo kaseryosohan ng mukha niya ngayon. hindi ko alam kung bakit? pero parang kinakabahan ata ako sa paguusapan namin ni madame principal mamaya.

"ah ganun po ba? sige po madame principal, after ng klase ko this morning. dadaan po ako sa opisina ninyo"

nakangiti ko pa ding saad kahit pa man parang kinakabahan ako sa medyo seryosong hitsura ng matanda sakin.

usually kasi palangiti si madame principal ng school namin at nakakapagtaka talaga ang hitsura niya ngayon.

siguro katulad ko may pinagdadaanan lang din siya sa buhay kaya medyo moody siya ngayon.

"kung ganun salamat jenny. hihintayin nalang kita mamaya sa office ko, okay?"

"sige po madame principal darating ho ako"

sabi ko naman at umalis na nga ang matanda.

nang akmang papasok na sana uli ako ng classroom namin. narinig kong may tumatawag sakin at paglingon ko, nakita kong si matteo pala yun.

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now