CHAPTER 22

3K 41 6
                                    

CHANCE...

"Jenny, are you okay?"

Tanong ko kay jenny habang nasa loob na kami ng sasakyan at pauwi na kami ng bahay. kanina nang umalis kaming dalawa ni jenny ng hospital. hindi na siya masiyadong umiimik at nagmukhang malungkot ang histura nito ngayon.

anyway, isang malalim na paghugot ng hininga muna ang ginawa ni jenny bago niya ako sinagot.

"hindi.. hindi ako okay. pakiramdam ko kasi ang sama sama ko ngayon dahil sa nagawa ko sa tatang ko... e ikaw, okay ka lang ba?"

tanong din nito sakin sa huli at isang malalim din na paghugot ng hininga muna ang ginawa ko bago ako sumagot sa kaniya.

"honestly.. im not okay. katulad mo nagi-guilty din ako sa ginawa nating pagsisinungaling sa tatang mo"

sabi ko nang sulyapan ko si jenny.

parang mas lalo namang naging malungkot ang hitsura nito sa sinabi ko nang sulyapan niya ako at kapagkuwan muling itinuon ni jenny ang tingin sa daan bago siya nagsalita.

"alam mo chance mahal na mahal ko yung tatang ko. at lahat gagawin ko kahit ano para sa kaniya. kahit na ikapahamak ko pa gagawin ko talaga. ganun ko siya kamahal at ganun siya ka-importante sakin. sila ng kapatid ko. diba nabanggit ko na din sayo ng minsan, na mga bata palang kami ni janus.. iniwan na kami ng mamang ko para sa ibang pamilya niya at mula nun ang tatang na namin ang tumayong ina at ama para saming dalawa na magkapatid. nakita namin ng kapatid ko kung gaano iginapang ni tatang ang pagpapalaki niya samin, i mean kung anong kalseng pagsasakripisyo ang ginawa niya para mapalaki niya kami ng maayos---"

"kung ganun masuwerte kayo ng kapatid mo sa tatang mo dahil may ama kayong tulad niya at mahal na mahal niya kayo"

komento ko at mapait naman ang ngiting tumango si jenny sakin bilang pag-sang ayon sa sinabi ko.

"oo tama ka. sobrang masuwerte kaming magkapatid sa tatang namin kaya gagawin din namin ng kapatid ko ang lahat para sa kaniya. lalo na ako. alam mo bang mataas ang pangarap ng tatang ko para sakin. iginapang talaga niya ako para makapagtapos ako ng pag aaral ko. sa ginawang pagsasakripisyo ng tatang ko para sakin. ginalingan ko naman at pinilit ko ang sarili ko na makatapos ng may honor para diba kahit paano masuklian ko naman yung mga sakripisyong ginagawa niya para sakin. kaya heto ako ngayon isa na akong elementary teacher"

"teacher ka?"

"oo teacher ako samin sa pangasinan. alam mo naisip ko din. tama ang tatang ko sa sinabi niya sakin kanina e. sabi niya isa akong teacher at dapat ang isang gurong katulad ko, ako dapat yung nagbibigay ng isang magandang ehemplo o ng inspirasyon sa kabataan hindi yung ganito. alam mo na.. buntis ako at gumawa pa ako ngayon ng viral video na ikasisira ko. nating dalawa"

huminga uli ng malalim si jenny pagkatapos ng sinabi niyang yun at nakita ko nalang na umiiyak na siya.

"chance ang sakit. ang sakit sakit nang makita ko yung tatang ko kanina na galit na galit siya sakin, masama ang loob niya sa ginawa ko at dismayado siya dahil sa katangahan ko. ang tanga tanga ko chance. alam mo yun.. isa pa naman akong teacher pero bakit ang tanga tanga ko? kahit na alam kong mali yung ginagawa ko pero tuloy pa din ako kasi kailangan e. kailangang kailangan. isa akong failure, isa akong malaking tanga at dismaya ngayon para sa tatang ko dahil sa ginawa ko? feeling ko ang sama sama ko kasi pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sakin. ito lang yung ginawa ko sa kaniya.. ito lang yung iginanti ko.. ang nagpabuntis sa isang lalakeng hindi ko naman kilala.. sobrang tanga.. as in ako na, ako na ang pinakatanga sa lahat ng mga tanga"

umiiyak na pahayag ni jenny sabay naisubsob nalang nito ang sariling mukha sa mga palad at doon niya itinuloy ang kaniyang pag iyak.

sa nakikita kong pag-iiyak na yun ni jenny, hindi ko din naiwasang ma-guilty dahil pakiramdam ko damay din ako sa paghihirap ng kalooban niya. dahil kung anak ko nga talaga yung batang dinadala niya. kasama din ako sa dahilan kung bakit nagalit sa kaniya ang ama niya.

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon