CHAPTER 49

2.9K 44 1
                                    

CHANCE...

"Jennnnyyy! mabuti naman at nandito kana. kanina kapa namin hinihintay e. mabuti din at naisama mo uli dito satin ang napakaguwapo mong boyfriend!"

salubong ng tiyahin ni jenny samin sabay bineso-beso kami nito nang makalapit..

mukhang magulo na naman ngayon sa kanila jenny base nalang sa naririnig kong ingay ng videoke at mga tiyahin niyang panay ang tilian sa loob ng kanilang bahay habang nag uusap.

jeeez nagsama-sama at nandito na naman sa kanila jenny ang mga makukulit at magugulo niyang kamag anak. tiyak sasakit na naman ang ulo ko nito dahil yayayain na naman ako sigurado ng mga tiyuhin at pinsang lalaki ni jenny na makipag-inuman.

"kanina pa po ba kayo nandito tiyang? anong meron at may naririnig na naman akong nag-bi-videoke sa likod ng bahay?"

tanong ni jenny sa tiyahin habang naglalakad kami papasok ng bahay nila.

"ay naku alam mo na. yung promoter mong tiyuhing si arnold at pinsan mong si uge, sila uli ang nagumpisa ng lasingan at kantahan. alam mo namang hindi mabubuhay ang mga yun kung walang alak na dumadaloy sa mga ugat nila.. yung pinsan mong si luca ay ayun lasing na.. e paano bang hindi malalasing e kanina pa silang umaga naglalasingan at naglalaklakan ng alak, hay naku!"

"ho? kanina pang umaga. edi kanina pa ho kayo nandito?"

si jenny uli.

"ay oo noh kaninang umaga pa kami nandito. pagdating nga namin dito kanina nagtaka kaming lahat kasi wala ka. ang sabi samin ng kapatid mo nasa manila ka daw kasama ni chance. nakakaawa nga yung kapatid mo ng madatnan namin kanina, mukhang malungkot. mabuti nagpunta kami dito para sorpresahin siya dahil kung hindi baka ma-beast mode na naman yun dahil sayo. e iba pa naman kung magalit yang kapatid mo. nakakatakot magwala kung minsan parang tatang ninyo."

"magagalit? e bakit naman ho magagalit sakin yung lokong yun? minsan lang ako mawala sa paningin niya magagalit na siya.. makutusan nga ang janus na yun"

"loka ka kukutusan mo pa talaga e birthday ngayon nung kapatid mo--"

agad natigilan si jenny sa paglalakad at natutop ang kaniyang sariling bibig dahil sa sinabi ng tiyahin.

"ho birthday ni janus ngayon?!"

"abay oo, nakalimutan mo ba?"

"naku po nakalimutan ko! oo nga pala birthday ni janus ngayon. mabuti nalang pala umuwi kami ni chance dito dahil kung hindi magagalit nga yun sakin."

nakakaalala ngang sambit ni jenny at ngayong nasa loob na kami ng bahay nila, sa may sala sinlubong naman kami ng iba pa niyang mga tiyahin na maiingay at magugulo ding katulad niya.

"aayyyy jenny! apay tatta ka lang nga sumampet gaga ka! kanina kapa namin hinihintay!"

"aba kasama mo pala ngayon yang adonis mong boyfriend.."

"ay wen kasama niya ngayon kaya ang gaga nakalimutan ang birthday ng kapatid niya"

"ganun? naku e iba na talaga ang nagagawa ng love life noh! minsan nakakalimot talaga at saka hindi lang yun nakaka-blooming pa! tignan niyo si jenny blooming na blooming oh"

"oo naman blooming talaga yan ngayon dahil in love sa boyfriend niya.. makikita mo kapag naging mag asawa na sila ni chance lalo siyang gaganda at bo-blooming dahil siyempre nadidiligan na siyaaaa!!!"

mga saad o salubong samin ng mga tiyahin ni jenny at panay nalang ang tawanan ng mga ito lalo na sa huling sinabi ng isa niyang tiyahin.

"ay grabe si tita marge oh nadidiligan talaga? sabihin pa talaga yun? nakakahiya baka kung ano ang isipin satin ni chance.. isipin pa niyang masiyado tayong daring kung mag isip"

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now