CHAPTER 10

4.2K 60 6
                                    

CHANCE...

Habang nagmamaneho papunta sa lugar kung saan ihahatid ko ang makulit na babae ramdam ko ang panay sulyap nito sakin kanina pa at sa totoo lang naiilang ako ngayon sa manaka-nakang pagtitig niya.

"puwede bang tigilan mo na ang pagtitig mo saking yan at naiilang ako.."

hindi ko napigilang pagsaway dito at kumibit balikat naman ito bago sumagot.

"pasensiya na hindi ko lang mapigilan e. mukhang pinaglilihian ata kita kaya panay nalang ang pagtitig ko at pangungulit sayo. saka alam mo, hindi ko din alam kung matatawa ba ako sayo na ewan dahil mukha ka kasing anghel na galit"

sabi nito at napakunot noo naman ako.

"anghel na galit? ano naman ang ibig mong sabihin?"

tanong ko nang sulyapan ko ito saglit at ibinalik ko uli ang paningin ko sa kalsada.

"anghel na galit.. isa kang mukhang anghel na pogi sana kaso lagi ka namang galit. hindi ko alam kung bakit ba asar na asar ka sakin kahapon pa e kung tutuusin wala namang masama sa mga ginagawa ko diba?"

sabi nito at pagak ko lang tinawanan ang babae sa kaniyang sinabi bago ako nagsalita.

"walang masama? seriously walang masama ni isa sa mga ginawa mo sakin mula pa nung sinugod mo ako sa simbahan at pigilan ang kasal namin ni martina? alam mo bang dapat nga nasa paris na kami ngayon nagha-honey moon kaso yun nga lang bigla kang umeksena. ginulo mo ang buhay ko at hanggang ngayon napepeste ang araw ko dahil sayo"

"aray naman yan! napepeste talaga?"

"what? e yun naman ang totoo diba? kaya anong sinasabi mo sakin diyan na ni isa sa mga ginawa mo sakin e wala dung masama? nakaperwisyo ka ng buhay ng may buhay. ano sa tingin mo ang tawag dun? mabuti ba yun?"

hindi nakaimik ng mga ilang sandali ang babae at nakita ko siyang huminga ng malalim muna bago siya nakasagot.

"okay sabihin na nating tama ka. naperwisyo nga kita pero.. para sa batang dinadala ko ipinaglalaban ko lang yung karapatan niya. sa totoo lang kung ako ang masusunod. hindi na sana kita gagambalain pa e at sasarilinin ko nalang itong baby na ito ng hindi ipinapaalam sayo kaso naranasan ko kasi ang pakiramdam ng seperate ang mga magulang at dahil dun sobrang nalulungkot ako. namimis ko yun mamang ko palagi kaso may iba na siyang pamilya. iniwan niya kami ng kapatid ko at ng tatang ko nung nene pa lang ako para lang dun sa iba niyang pamilya. alam mo bang mahirap lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya mo kaya naman naisip ko. ayokong danasin ng magiging anak ko yung dinanas ko kaya hinanap kita.. ayoko kasing lumaki siya ng walang ama.. nagegets mo naman siguro ang gusto kong ipaliwanag sayo diba? o kung hindi man, miintindihan pa din kita kasi nga nang dahil sakin naperwisyo ko kayo nung fiancee mo"

maikling pagkukuwento ng babae sa naging karanasan nito sa buhay at saglit naman akong natahimik din dahil parang nararamdaman ko ang sakit na nadarama nito habang kinukuwento niya sakin yun. maging ako kasi naranasan ko din ang naranasan nito. hiwalay ang mama at papa ko. nagseperate din sila nung bata pa lang ako at panay nalang din ang iyak ko lagi noon sa tuwing namimis ko ang papa ko.

"im sorry to hear that.. hindi ko alam na nag-seperate din pala ang mga magulang mo. alam mo naiintindihan kita sa gusto mong mangyari. gusto mo kapag lumabas na at lumaki yang baby mo. meron siyang mommy at saka daddy na kalalakihan. yung kumpletong pamilya na inaasam mo din para sa kaniya pero... damn! ikakasal nako. may fiance na ako at mahal ko si martina. kung ano man yung nangyari sating dalawa nun sa hotel i am sure walang ibig sabihin yun. ibinigay lang natin kung ano ang pangangailangan ng isa't isa. pero yun nga sa hindi inaasahan nabuntis ka. look, kung anak ko nga talaga yang dinadala mo.. i promise you, magkahiwalay man tayong dalawa. ipaparamdam ko pa din sa kaniya na lagi lang akong nandito. na kahit na may sarili akong pamilya at ikaw din ganun. ipaparamdam ko sa baby natin na mahal na mahal ko siya at importante siya sakin. na gagawin ko ang lahat para sa kaniya. na bilang daddy niya gagampanan ko ang bawat responsibilidad ko sa kaniya hindi dahil sa kailangan kong gawin yun dahil ama niya ako kundi dahil mahal ko siya at importante siya sakin.. naiintindihan mo naman din siguro ang gusto kong ipaliwanag diba?"

Marry me, I'm Pregnant!Where stories live. Discover now