CHAPTER 37

2.9K 53 3
                                    

JENNY...

Pagmulat ko ng mga mata ko, puting kisame ang unang bumungad sa paningin ko. nang ilibot ko ang mga mata ko sa paligid, nakita ko ang kapatid kong si janus na nakaupo sa pang-isahang sofa at mukhang abala na naman ata siya sa nilalaro niyang clash of clans sa cellphone niya.

si janus? teka bakit nandito ang kapatid ko sa bahay ni chance? at saka parang----

"Janus anong ginagawa mo dito? nasaan ako? anong nangyari sakin at saka--- a-araayyyyyy!"

paghi-hysterical ko nang ma-realize kong wala ako sa bahay ni chance at daing ko sa huli dahil sa napakasakit na naramdaman ko mula sa tiyan ko.

"ate, huwag kang tumayo at kaka-opera mo pa lang. humiga kana lang muna, baka dumugo ang sugat mo e"

pigil sakin ng kapatid ko nang makitang tatayo sana ako.

ngayon ko lang din na-realize na nasa hospital pala ako.

"a-ano ang nangyari? bakit ako nandito sa hospital? saka bakit ang sakit ng tiyan ko? ano ang---"

"ate puwede bang paisa-isang tanong lang at hindi ko masasagot ng sabay sabay yang mga tanong mo"

sansala sakin ng kapatid ko at napapaisip naman ako ngayon kung ano ba ang nangyari sakin at paano ba ako napunta ng hospital.

"okay ganito ang nangyari sayo ate. kahapon nabagok ang ulo mo at dahil dun nawalan ka ng malay, itinakbo ka agad ni kuya chance dito sa hospital kahapon dahil sa pag-aalala sayo at----"

"a-ano? teka teka, anong sabi mo? kahapon nabagok ang ulo ko at si chance ang nagdala sakin dito sa hospital?"

"ganun na nga at yun nga nalaman niyang--"

"ano ang nalaman niya? n-nalaman na ba niyang hindi ako buntis ha?"

agad kong pag-i-interrupt uli sa sasabihin ng kapatid ko at sunod sunod naman siyang tumango.

"oo ate alam na ni kuya chance na hindi ka buntis at galit na galit siya sayo. kahapon nang tawagan niya kami ni tatang para ipaalam na nandito ka sa hospital at na-operahan kana dahil sa appendicitis mo, agad kaming sumugod dito at yun nga maging si tatang nalaman na din niya na hindi ka buntis"

pagkukuwento sakin ng kapatid ko at para bang gusto ko atang himatayin ngayon dahil sa kabang nadarama ko.

diyos ko po, nalaman na ng tatang ko at ni chance na hindi talaga ako tunay na buntis? paano ako haharap sa kanila ngayon at ano nalang ang sasabihin ko kapag nagkita-kita kami?

anyway, hindi ko alam na appendicitis pala ang dahilan kung bakit palaging nananakit ang tiyan ko. kaya din pala paggising ko nang akmang tatayo ako, napahiyaw nalang ako sa sakit dahil bagong opera pala ako. mabuti nalang naagapan ang sakit ko dahil kung hindi baka wala na ako sa mundong ibabaw ngayon.

pero teka lang, hindi ang appendicitis ko ang mas nakakapagpa-kaba sakin ngayon kundi ang tatang ko at si chance na nakakaalam na ngayon sa peking pagbubuntis ko.

"a-ano? alam na nila? ano ang sabi ni tatang nung nalaman niya? nasaan siya ngayon? inatake ba uli siya sa puso kaya hindi mo siya kasama dito ngayon sa kuwarto?"

sunod sunod at nagaalala kong tanong uli sa kapatid ko.

"nasa pangasinan na uli ngayon si tatang ate kasama niyang umuwi si tiyang selya, kahapon kasi nang malaman niya ang pagpapanggap mong buntis ka, nagalit siya ng sobra at saka hiyang hiya din siya kay kuya chance dahil ang buong akala ni tatang nabuntis ka nung lalaking yun.."

"ganun? e teka lang uli, pati ba yung tungkol sa napag-usapan namin ng ina ni chance, yung deal namin.. alam na din ba ni chance at ni tatang ang tungkol dun ha?"

Marry me, I'm Pregnant!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang