Chapter 35 Birthday Blast

22.5K 962 272
                                    

"You meet thousands of people, but none of them really touch you. And then you meet one person and your life is changed forever."


Rain POV


"Yan ba talaga ang gusto mong mangyare?" Tanong niya sa akin habang malungkot siyang nakaupo sa kama namin.

I gulped. I tried to hold back the tears from falling but I failed. Napayuko ako habang nakasandal sa hamba ng pintuang patungo sa balcony ng bahay.

Naglakas loob akong nag-angat ng mukha para salubungin ang mga titig niya.

"I-I can't do this anymore." Nahihirapang sabi ko. "Hindi ko na kayang magtago pa."

Napatayo siya sa kinauupuan at dismayadong-dismayadong nagsalita.

"Ano pa bang kulang?" Sumbat niya. "I did everything for you. Lahat lahat ginawa ko para maging masaya ka, para makontento ka! Ano pa ba ang kulang?!" Dinig na dinig sa bawat sulok ng kuwartong yun ang kanyang panaghoy. "Sabihin mo sa akin kung bakit bigla bigla ka na lang nakikipaghiwalay sa akin ngayon!"

I flinched. Hindi dahil sa takot ako sa kanya kapag ganitong galit siya pero dahil sa nakokonsensya din ako.

Minahal ko din naman siya ng higit sa buhay ko. Pero... everything's changed. And I can't pretend anymore. Hindi ko na kayang magpanggap na masaya ako sa piling niya. Hindi ko na talaga kaya...

"I'm sorry." Was all that I could say.

Nanginginig ang kamay na tinanggal ko yung singsing sa daliri ko. Umaagos ang luhang ibinalik ko iyon sa kanya.

"I can't do this. I'm so sorry." Sabi ko saka humugot ng malalim na hininga. "I hope someday you'll forgive me. I'm not just doing this for myself. Pero ginagawa ko din 'to para sayo. Ayokong paasahin ka pa na magiging masaya ka sa akin o ako sa piling mo."

Napakuyom ang kanyang kamao at alam kong pinipigilan niyang wag akong masigawan ulit.

Wala naman na dapat akong hanapin pa, dahil ang bait bait niya sa akin. Nirerespeto niya ako. Binigay niya lahat ng alam niyang makakapagpasaya sa akin. Pero kasalanan ko ba kung umibig ako sa iba? Kasalanan ko ba kung tumibok yung puso ko sa iba?

"Goodbye, Marko." Masakit man pero kailangang gawin ko 'to.

Nagsimula na akong maglakad patungong pintuan. Hinawakan ko na sa isang kamay yung maleta ko at handa ng iwan siya.

"Cut!"

Narinig kong sigaw ng direktor namin na walang iba kundi si Snow.

Mabilis kong pinunasan yung luha ko at nakangiting tumingin sa mga crew na pumapalakpak sa naging eksena namin ni Gino na siyang gumanap bilang Marko sa pelikula namin.

"Five minutes break!" Sigaw ni Snow.

Napaka-professional niya sa trabaho. Seryoso siya sa bawat take. Sinusubukan niya talagang ma-minimize yung mga mistakes. It's been a month since we started filming. Isa lang ang masasabi ko, napakagaling niyang direktor. At proud na proud ako sa kanya.

Nagpunta na ako sa dressing room para makapag-ayos ulit. Nagugutom na din ako. Kaya naman habang panay ang ayos nila sa akin, kumakain ako ng tinapay. Binigyan naman ako ni Marie ng bottled water na nilagyan niya ng straw para di ako mahirapang uminom.

Napatingin kaming lahat sa bukas na pintuan ng may kumatok dun. Si Snow pala.

"Hi." Bati niya sa amin.

"Hi direk!" Bati naman nung dalawang baklang stylists ko.

Binati din siya ni Marie at nginitian ko lang naman siya sa may reflection namin sa malaking salamin.

Rain & SnowDär berättelser lever. Upptäck nu