Chapter 27 Heart Afire

23.6K 938 226
                                    

"Nightmares creep while you and me repeat. This bittersweet heat is suffocating. I'm waiting, and always hesitating. Kryptonite desires set my heart afire."



Rain POV


"Good morning."

Agad na bati sa akin ni Snow ng pumasok ako sa loob ng kusina. Nakasuot siya ng oversized white t-shirt and who knows kung may shorts siya na panloob or just her undies... nothing more.

"Morning." Antok pang bati ko din at naghihikab pang nilapitan siya habang nagluluto sa harapan ng stove.

"Kulang sa tulog?" She asked in a teasing tone.

Wala naman kaming ginawang kababalaghan kagabi dahil pareho kaming pagod sa biyahe mula Benguet at natulog lang na magkayakap.

"Yeah." I replied in a sleepy tone.

Sumandal ako sa likod niya na ikinatawa niya ng bahagya. Pinatay na niya yung stove at hinarap ako.

"Come here." Sabi niya.

Hinawakan niya ako sa beywang at iniupo sa may counter. Tumayo siya sa gitna ng mga hita kong exposed dahil nakasuot lang ako ng pink tanktop at undies.

"I want coffee." Naglalambing na sabi ko.

"Okay, I'll fix you a coffee." Saka siya nagsimulang gumalaw ulit sa kusina.

"No sugar and no cream, please?" Sabi ko pa.

"No sugar and no cream for the lady in pink." Sabay kindat sa akin.

Maasikaso si Snow, lalo na sa akin. Kumpara noong bago ko lang siya kilala at ngayon, malayong malayo ang deprensya. She's sweet and down to earth, kaya hindi siya mahirap pakisamahan. At mas lalong hindi siya mahirap mahalin. But I guess, wala pa kami sa stage na yun. Siguro nasa I like you stage pa lang. Isa pa, we're enjoying each other's company, bukod sa usapan namin tungkol sa pagsasama namin bilang mag-asawa, wala na.

"Here's your coffee, mi querido alguien." Jolly na sabi niya at iniabot niya sa akin yung isang tasa ng kape.

"Thank you." Nakangiting sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago humigop dun sa kape.

Napapikit pa ako ng dumaan yung mainit at medyo mapait na kape sa lalamunan ko. Masarap talagang pampagising ang kape sa umaga.

"Thank you lang?" Napangusong sabi niya sa akin.

Inilapag ko sa tabi ko yung kape saka niyakap ko siya sa batok. Bahagya akong yumuko at hinalikan siya sa labi. I kissed her once... twice... and then I lost count. We both lost count.

Naghaharutan kaming dalawa ng biglang may pumalakpak sa may bukas na pintuan. Sino pa ba? Eh di si Miranda!

"Galing ng rehearsal niyo." Tukso niya sa aming dalawa. "Okay na yung tukaan part. Let's go to the bed scene." Dagdag pa niya.

Hindi namin pinansin ni Snow yung snide comments niya at hinalikan pa rin niya ako sa labi bago ako tinulungang makababa dun. Naupo na ako sa harap ng dining table at nagsimula na ding maghain si Mira.

"Kumusta pala yung script?" Tanong ni Snow sa kanya ng kumakain na kami. "Naayos mo na yung second part?"

"Yes, direk." Sagot naman ni Mira dito.

May table read pala ulit bukas. Kailangan kasi yung table read to help the production team work out the kinks and other stuff. Tinutulungan din nito yung writer --- si Mira --- makita kung saan yung part na dapat i-edit dun sa mga lines ng mga characters o kung tutugma ba yung mga linya dun sa part na yun sa pelikula. Kasi dito mo na makikita yung mga tao mismong gaganap na mag-a act out nung scenarios eh. Hindi na lang kung ano yung nasa isipan or imagination ng writer. May tendency kasi na iba yung nasa isip ng writer dun sa iniisip ng mambabasa.

Rain & SnowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora