Chapter 3 Drifting Away

24.1K 916 50
                                    

"When two people are destined to be together, nothing can stop it."


Rain POV


Buwisit na buwisit na pinatay ko yung tv at pabagsak pang inilagay sa may center table yung remote control. May simpatya namang napatingin sa direksyon ko si Jona.

Napapatiim bagang na lang ako sa mga lumalabas na issue tungkol sa akin at sa estado ng career ko. Inis na inis ako. Parang gusto kong mambasag ng bagay.

"Lilipas din ang mga yan." Narinig kong sabi ni Jona pero di ako kumibo. Nakatingin lang ako sa blankong tv habang nagpupuyos yung damdamin ko. "Parang di ka na nasanay."

Gusto kong maiyak sa sobrang frustration at disappointments na nararamdaman ko. "I'm slowly drowning, Jona." Wala sa sariling sambit ko.

She let out a deep breath. "Sabihin na natin na sobra talagang naapektuhan yung career mo sa breakup ninyo ni Justin ---"

Hindi niya naituloy ang ano pa mang sasabihin dahil sa tinging ipinukol ko sa kanya.

"So anong ibig mong sabihin?" Maang na tanong ko. "Makikipagbalikan ako sa kanya?"

"What I mean is, we have to find a way to get out of this mess." She said.

Napailing ako at isinandal ko yung ulo ko sa couch at napapikit. For once, gusto ko namang magpahinga mula sa mga issues na ibinabato nila sa akin. Minsan nakakapagod din naman ng ganito.

"Parang gusto ko munang magpahinga." Sabi ko.

"You still have a week before the photoshoot." Tukoy niya sa commercial na gagawin ko next week.

Isa pa yun, may isa pa sana ako this week na commercial gagawin pero nag-backout yung brand ng shampoo dahil daw sa mga balitang kumakalat tungkol sa akin.

Ba't ba ang dali para sa iba na manghusga? Na para bang alam nila kung ano ang totoong nangyare at kung sino ang nagsasabi ng totoo? Wala silang alam tungkol sa akin kaya naman sana wag silang ganun. Nasabi ko na naman yung side ko sa mga interviews ko eh. Mukha ba akong di kapani-paniwala? Kung tutuusin, ako ang agrabyado. Ako ang biktima sa amin ni Justin. Bakit ganun?

"Uwi muna ako ng Benguet."

Pagkasabi ko nun ay pumanhik na ako sa taas sa may kuwarto ko at pabagsak na nahiga. Hindi ko na naman napigilang umiyak. Ilang gabi na ba akong ganito? Kung busy lang sana ako sa trabaho, wala akong time para magdrama at mag-isip.

Kinabukasan, nag-empake ako ng ilang damit at gamit ko papuntang Baguio. Dun muna siguro ako ng ilang araw. Isa pa, nami-miss ko na si mama.

"Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay." Bilin ko kay Marie, personal assistant ko.

Siya ang isinasama ko kapag may photoshoot or taping ako. But this time, gusto kong mapag-isa.

"Wag ka magpapapasok ng kung sino sino." Bilin ko pa habang pasakay na ako ng kotse.

"Opo ate." Tugon niya.

Nasa second year college na siya sa kursong Secondary Education. Ako na nagpapaaral sa kanya. Ako sana tapos na ako ng Dentistry kung di ko lang inuna magtrabaho. Wala naman kasi ibang aasahan si mama kundi ako lang. Dadalawa na lang kami sa buhay. Yung papa ko isang sundalo na namatay sa Mindanao habang nasa serbisyo, buntis pa noon si mama. Hayun nakunan si mama ng malamang namatay si papa sa giyera at nagkaroon ng impeksyon sa matris niya kaya tinanggal na.

Eighteen ako nung madiscover ako ng isang talent Manager. Si Jona. Nasa SM Baguio kami noon ni mama at naggo-grocery ng makita niya ako at inalok na gawing model. Sa taas kung 5'7" at sa makinis at maputi kong kutis, plus sexy pa at maganda, kaya papasa akong maging model ng isang brand ng lotion. Pinag-isipan ko yung mabuti. Sabi naman ni mama noon, ako daw kung anong gusto ko susuportahan daw niya ako.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon