Chapter 26 Better With You

24.9K 914 142
                                    

"You make a bad day better than good. You make me feel better than I should. You understand when I'm misunderstood, like no one else ever could. Because it's always better with you."


Rain POV


"Ready?"

Nakangiting tanong ko kay Snow ng lumabas siya mula sa walk in closet ko. Nakasuot siya ng tattered black jeans at white V-neck body hugging shirt na may tatak sa harapan. Ako naman naka-orange chic-wish blouse and brown gala shorts. Pareho din kaming naka-ASOS maze flat shoes.

Napagpasyahan kasi naming mamasyal ngayong araw. Ipapasyal ko siya sa Baguio. Nakapunta na daw siya dito pero nung high school pa lang yata siya nun. Something about volleyball tournament na dito ginanap. Ngayon ko nga lang nalaman na marunong pala siya sa sport yun.

"Yes." Nakangiting tugon din niya.

She twitched her lips suddenly while she's scrutinizing my get-up. Kinuha niya yung black hooded jacket ko at ipinasuot sa akin. Nakasuot na kasi ako ng baseball cap.

"You need to hide that pretty face of yours if you don't want us to get mob by your fans." Sabi niya habang isinusuot sa akin yung jacket.

She's right. At hindi lang kami dapat sa mga fans magtago kundi pati na din sa press. Once nalaman nilang magkasama kami ngayon dito sa Benguet, kakalat na yan na parang apoy at magliliyab. For sure, magiging napakalaking issue yun pag nagkataon.

"Dapat ikaw din." Kinuha ko yung isang puting baseball cap ko at isinuot ko sa kanya. "Para di ka rin makilala agad." Saka napangiti sa kanya.

Nang makontento na kami sa disguise naming dalawa, lumabas na kami ng kuwarto at nagpaalam kay mama na aalis na kami. Yung kotse niya ang ginamit namin, coding din kasi ako. Pero ako na nag-drive since ako naman ang mas nakakaalam sa lugar na 'to.

Dinala ko siya sa Loakan sa may Camp John Hay. Bukod kasi sa golf course dito, sa may Tree Top Adventure pa. Una naming ginawa yung silver surfer. Para kaming nagse-surf at nagga-glide na dalawa sa tulong ng hangin habang tanaw namin mula sa itaas yung kagandahan ng kagubatan. Game na game naman siyang sumakay kahit saan. Pero ang talagang di ko kinaya yung free fall.

Ikaw ba naman ang ihulog mula 60 feet kataas? Diyos ko naman, tili ako ng tili. Nauna kasi si Snow sa akin, tapos ako ang sunod. Nakahawak lang ako dun sa may bakal.

"Kuya wag mo muna akong ihuhulog!" Tili ko na halos masusuka na ako sa taas nun. Tinitingnan ko pa lang sa ibaba natatakot na ako eh. Pahamak talaga 'tong si Snow kung saan saan gusto sumakay, dinadamay pa ako!

"Come on, it's fun!" Sigaw ni Snow sa ibaba. "Mabilis lang naman eh."

"Ayoko!" Di pa ring bumibitaw sa may bakal na hawakan. "Backout na ako kuya! Ibaba mo na ako dito! Ayoko na!" Tili ko.

Nakangiti lang si kuya na nakahawak pa dun sa harness na nakalagay sa katawan ko. Si Snow naman tatawa-tawa dun sa baba.

"May sasalo naman sayo dito." Hikayat pa niya sa akin. "I'll catch you... I promise."

"Kuya, sige na. Ayoko na. Backout na talaga ako." Pakiusap ko kay manong.

"Eh ma'am di na po pwede. Tsaka ina-assure naman po namin kayo na hindi po namin kayo pababayaan. Isa pa po, mabilis lang naman 'to. Di niyo po namamalayan nasa baba na po kayo." Magalang naman na sabi niya sa akin.

"Come on, Ra--- Scarlet." Hindi niya ako matawag sa pangalan ko.

Baka makahalata kasi yung iba. Sina manong nakilala na ako kasi kinailangan kong tanggalin yung shades ko kanina. Yung iba pinagtitinginan na din ako na parang nagdududa kung sino ako.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon