Chapter 7 Friend-zone

22.5K 885 117
                                    

"I don't have to use my eyes to see that you're real. My heart already does."


Snow POV


"So, Rain." Tanong ng reporter sa kanya ng ma-corner siya sa isang photoshoot ng gagawin niyang commercial. "Ano ba talaga ang real score sa pagitan ninyo ni direk Snow Cervantez?"

Natawa ng bahagya si Rain sa tanong. Naka-light make up lang siya at halatang kadarating lang sa set ng in-ambush interview siya dahil na din sa kumakalat na pictures naming dalawa ng gabing nagpunta siya sa condo ko, tatlong araw ng nakakalipas. I mean, a surprise visit to be exact.

"We're just friends." Nakangiting sagot niya.

"Friends?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko sa may living room ng marinig ko yung sagot niya. "Friends?!" Ulit ko pa. "Is she kidding me?" Maang na napaharap ako kay Miranda na kasama kong inabangan yung interview kay Rain sa late night news.

Pinatay niya yung tv at hinarap ako. "Ano ba talagang nangyare?" Sabay cross arm na tanong niya sa akin.

"Nasabi ko na sayo kung anong nangyare that night." Paliwanag ko.

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin. Yung tinging hindi naniniwala sa sinabi ko.

I rolled my eyes. "Great." Exaggerated na bigkas ko. "You're the big fan." And puffed out breath.

Mataman niya akong tinitigan. "Okay." Kapagkuwa'y bigkas niya. "Granted you're telling me the truth right now." Saka patay malisyang tiningnan ulit ako. "Ano ngayon ang pinuputok ng butse mo sa sinabi niyang friends kayo?" She even emphasizes the word.

"Hindi ako galit!" Napataas yung kilay niya sa ginawa ko. "Hindi ako galit." Ma malumanay ng sabi ko. "It's just that, we're not friends." Paliwanag ko. "She's lying!" Sabay mosyon sa patay na tv as an imaginary Rain.

Di man lang siya natinag sa sinabi ko. Parang nakakaloko pang naghikab siya na parang antok na antok.

"Now what?" Patay malisyang tanong niya.

"You don't get it." Hopeless na sabi ko. "We're not friends." I emphasized. "We're not even closed for Pete's sake!"

"Eh anong gusto mong sabihin niya sa media kung ganun?" Tanong ulit niya.

  Bagsak balikat na naupo akong muli sa tabi niya. "I don't even know her that much. Only what I heard and read on newspapers and articles on the internet." Paliwanag ko pa. "How come nasasabi niyang magkaibigan kami? Ba't di na lang niya sinabing, we're acquaintance."

Siya naman ang napaikot ng mga mata. "We're talking about show business here, Cyd." Sabi niya. "Akala ko ba alam mo na ang kalakaran sa industriyang ito."

"I'm not used to it and I'll never get used to it." Saad ko na napasandal sa upuan.

Tinapik-tapik niya yung balikat ko. "Let it pass." Payo niya sa akin. "Isipin mo na lang na baka niya sinabi yun dahil ang sagwa naman kapag sinabi niyang kakakilala niyo lang tapos nasa condo mo na siya agad?" She has a point though. "Inisip din niya siguro yung reputasyon niya."

"And how about mine?" Ganti ko. "Tingnan mo nga, ni hindi ako ngayon makalabas ng condo ko dahil palaging may nag-aabang na reporter sa baba?"

Yes, the next morning after we met unexpectedly, may mga reporter ng nag-e scout sa labas ng building. Buti na lang hindi sila basta basta nakakapasok sa loob ng condominium building kung hindi, ewan ko na lang. May naglabasan na ring issue na kesyo baka may relasyon kaming dalawa. Na itinanggi na nga ni Rain lahat kanina. And after three days, ngayon lang siya nagsalita para sagutin ang mga isyung kumakalat tungkol sa aming dalawa.

Rain & SnowWhere stories live. Discover now