Chapter 20 House Rules

21.4K 967 362
                                    

"Things happens for a reason. Timing is everything."


Snow POV


Nagmistulang fans day ni Rain ang nangyare sa anniversary ng grandparents ko. Nung malaman kasi ng iba na nandito siya, isa isa na silang nagsidating sa may labas ng gate ng bahay nina lolo. Kita na ang mga litid nila sa kakatanaw sa kanya habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa dalawang matanda.

"Okay bang kasama 'tong apo namin?" Tanong sa kanya ni lolo Celso na isang retired PNP chief.

"Si Snow po?" Sabay sulyap sa akin ni Rain na sa tapat lang niya ako nakaupo sa square na lamesa. "Hay naku ang sungit niyan sa akin nung una. Pinagkamalan po ba naman akong magnanakaw?"

Tawa naman yung dalawang matanda. Pati mga magulang ko nakikitawa na din sa kwentuhan nila. Ako naman nakangiting iiling iling.

"Paano naman po kasi bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa bahay ng may bahay." Nakangiting depensa ko.

"Nag-sorry naman ako agad kaya." Sagot ni Rain. "Tapos alam niyo po, minsan naglalakad yan sa loob ng kuwarto ng walang damit! Nagulat na lang ako!"

"Nakuha niya yan sa mama niya!" Tatawa-tawa naman si mommy.

Si mama naman nakangiting nagkibit balikat na parang sumusuko sa pahayag ni mommy.

"Parehas tayo ng naging reaksyon." Nag-apir pa yung dalawang magkakampi.

Grabe talaga kapag 'tong dalawa ang nagkampihan. Kunwari namang may simpatyang tinapik-tapik ako ni mama sa balikat.

Naging masaya ang selebrasyon at nag-videoke pa kami. Doon ko din nalaman na marunong din palang kumanta si Rain.

"May album kaya siya." Sabi naman ni mommy.

Tsk. Si mommy na talaga ang number one fan ni Rain. Nakipag-duet pa siya dito.

Pero natutuwa akong makita na magkasundong-magkasundo silang dalawa. At kitang kita ko din kung gaano napapasaya ni Rain ang lahat ng nandito.

Halos di na payagan nina lolo si Rain na umuwi sa bahay. Pwede daw siyang matulog dun may isang kuwarto daw na bakante sa taas ng na-renovate na bahay nila.

"Dadalaw po ulit ako bukas bago kami umuwi ni Snow sa Manila." Pangako niya sa dalawang matanda.

Gabi na ng makauwi kami sa bahay. Separate naman ang sinakyan namin nina mama.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko kay Rain na parang di yata napagod sa buong maghapon na kasiyahan.

Napangiti siya. "Super." Sagot niya. "Nakakatuwa ang grandparents mo. Lalong lalo na si lolo Celso!"

Paano kasi kanina, gusto siyang maka-duet ni lolo sa pagkanta ng isang old song entitled My Way.

Natatawa na lang kaming dalawa kapag naaalala namin yun. Nagpaunlak din siya kanina na makuhanan ng picture ng mga kapitbahay naming ang tagal nakaabang sa kanya sa labas ng gate nila lolo.

"Good night po." Magalang na sambit niya kina mama ng ihahatid ko na siya sa kanyang kuwarto.

"Snow." Tawag sa akin ni mama bago sila makapasok sa kuwarto nila. "You know the rules."

"Opo ma." May bahagyang ngiting tugon ko at pumasok na sila sa loob.

Nauna kasi yung kuwarto nila, tapos yung sa akin and then yung dating kuwarto ni papa Oscar na ginawang kuwarto na ni lola kapag umuuwi siya dito sa Pilipinas from Spain. And yung tatlong sunod na kuwarto, guest rooms na. Yung una dun sa tatlo yun ang kuwartong uukopahan ni Rain.

Rain & SnowWhere stories live. Discover now