Chapter 14 With A Smile

20.8K 951 189
                                    

"In a world where everybody hates a happy ending story, it's a wonder love can make the world go round."


Rain POV


"Justin?" Nabiglang bigkas ko. Siya ang pinakahuling taong inaaasahan kong makita ngayong araw. "Anong ginagawa mo dito?"

Nag-excuse naman si Marie at lumabas ng dressing room para bigyan kami ng privacy.

"Rain." Bigkas niya sa pangalan ko ng may kasamang bahagyang ngiti sabay tayo. May dala pa siyang bulaklak.

Si Justin ay parang young version ni Ian Veneracion. Yun nga lang wala siyang balbas o bigote. Makinis at maputi siya. Pang boy next door ang dating.

"For you." Sabay abot sa akin nung bulaklak.

Ilang buwan din na hindi kami nagkita at nagkausap. Isa pa, wala naman na kaming dapat pang pag-usapan. Tapos na sa amin ang lahat.

Hindi ako gumalaw para kuhanin sa kanya yung bulaklak bagkus ay napahalukipkip pa ako. Kaya napilitan siyang ilagay na lang iyon sa kinauupuan niya kanina.

"Can we talk?" Tanong niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Justin." Pormal ang mukhang sagot ko.

Nagpunta ako sa may dresser at iniligpit ko yung mga gamit ko dun para makaalis na kami. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinablot sa braso.

"Bakit?" May halong inis yung pagkakasabi niya. "Sino na bang ipinagmamalaki mo ngayon? Yung lesbian-ang direktor na yun, huh?"

"Justin ano ba!" Pilit kong tinatanggal yung pagkakahawak niya sa akin. "Bitawan mo 'ko!"

"Bakit? Mas magaling ba siya sa kama kaysa sa akin?"

"Mahiya ka nga sa mga pinagsasabi mo!" Ganti ko.

Isinandal niya ako sa may pader at kinorner gamit ang sariling katawan. Naramdaman ko pang idinikit niya yung harap niya sa may puson ko.

"Get off me!" Tinutulak ko siya.

"May relasyon ba kayo?" Parang nawala yung sweet look niya. "Ano? May katotohanan ba yung mga balita?" He's trying to pin me.

"Wala kang pakialam kung may relasyon man kami o wala." Sabi ko. "At wala ka ding pakialam sa buhay ko dahil matagal ka ng wala dito!"

"Shit. Di ako papayag na sa babaeng yun lang mapunta yung katawan mo." Sabi niya at kung saan saan ako hinipuan. "Hindi mo lang alam ang mga komento nila sayo sa social media."

Sa galit ko sa kanya, tinuhod ko yung ari niya at namilipit siya sa sakit at napaluhod sa harapan ko. Gustong gusto ko ng maiyak. Pero di ko ibibigay yung kasiyahan na yun sa kanya.

"Wag na wag mo na ulit akong lalapitan pa at wag na wag ka na din magpapakita pa sa akin." Saka nagmamadaling lumabas ng dressing room.

"Ate ---"

"Kunin mo na yung mga gamit natin. Aalis na tayo. Hintayin na lang kita sa sasakyan." Tuloy tuloy na sabi ko kay Marie habang diretso lang na naglakad.

Isa-isang nagsilaglagan yung mga luha ko ng makapasok ako sa loob ng van. Pero kailangan kong pigilan yung emosyon ko kaya mabilis ko din iyong pinunasan. May shooting pa ako ngayon.

Halos wala na akong lakas ng matapos yung shooting. Past ten na naman ng gabi. Buti na lang hapon schedules ko bukas kaya pwede akong humilata sa kama buong umaga.

Nakasakay na ako sa van pauwi ng maalala ko yung ginawa sa akin ni Justin kaninang umaga.

"Marie." Tawag ko sa kanya.

Rain & SnowWhere stories live. Discover now