Chapter 24 Yearning

24.3K 964 189
                                    

"No amount of words could accurately describe the yearning I have for your touch..."


Rain POV


"Ma'am, mukhang uulan po. Sumilong na po kaya kayo?" May pag-aalalang sabi sa akin ni mang Gilbert, isa sa mga trabahador dito sa strawberry farm ko.

"Okay lang po." Bahagyang nakangiting tugon ko sa kanya.

Hinayaan na niya akong magtanggal ng mga damo sa pagitan ng mga pananim. Sa tatlong araw na paglalagi ko dito sa Benguet, sa farm ako mas nagpupupunta. Natutuwa kasi akong makita kung gaano karaming bunga nung mga pananim namin.

Minsan nga kinakausap ko pa sila. Sabi kasi nila, mas lalago daw yung halaman kapag kinakausap. Isa pa, nakakawala sila ng stress.

"Ma'am Rain!" Tawag ulit sa akin ni mang Gilbert.

Dumiretso ako ng tayo mula sa pagkakayuko dun. Pero isang pares ng kulay asul na mga mata ang sumalubong sa akin dahilan para matigilan ako.

"May naghahanap po sa inyo." Sabi ni mang Gilbert.

"Sige ho mang Gilbert." Tipid na ngumiti ako sa butihing matanda. "Iwan niyo na po kami."

"Rain." Tawag niya sa akin ng makaalis na si Mang Gilbert.

Tinapunan ko lang siya ng tingin at tumalikod na saka itinuon ang atensyon sa mga halaman.

"We need to talk." Nakasunod siya sa akin.

Umikot ako sa kabilang hilera ng mga pananim naming strawberries. Nagtanggal ako ng natuyong dahon.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap niya ako sa kanya.

"Stop avoiding me." Halos magkasalubong na yung kilay niya.

Tiningnan ko lang siya at tsaka yung kamay niyang nakahawak sa akin. "Bitawan mo 'ko." Malamig na sabi ko sa kanya.

"You're going home with me." Maawtoridad na sabi niya.

"What?!" Di makapaniwalang iwinaksi ko yung kamay niya. "After what you did to me? Ganyan lang sasabihin mo sa akin? Hindi ka man lang ba magso-sorry?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Saan naman ako magso-sorry?" Maang na tanong niya sa akin.

I crossed my arms across my chest and stared right through her. "Talaga lang Snow? Hindi mo alam? O nagmamaang-maangan ka lang?"

"Eh saan nga ako magso-sorry?" She even spread her arms totally puzzled.

I arched an eyebrow. Sinamaan ko siya ng tingin at kahit di ko na siya sagutin, marahil nakuha naman na niya ang ibig kong sabihin.

"Dahil sa nangyare sa atin?" Kunot noong tanong niya. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Bakit ako hihingi ng sorry dahil dun? For Pete's sake Rain, we're married. Kung tutuusin nga ---"

Tinakpan ko yung bibig niya gamit yung kamay ko. "Yang boses mo!" Inis na sabi ko sa kanya.

Inalis niya yung kamay kong nakatakip sa bibig niya. "Sabihin mo nga sa akin kung bakit ako dapat humingi ng sorry sa nangyare sa ating dalawa?" Hamon niya sa akin. "Sabihin mo din sa akin na hindi mo yun nagustuhan."

Pinaningkitan ko siya ng mata saka binawi yung kamay kong hawak pa niya. "Pwede bang umalis ka na."

Tinalikuran ko siya ulit. "Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nakakapag-usap." Saad niya sa kontroladong boses.

Rain & SnowWhere stories live. Discover now