Chapter 2 Snow meets Fame

31.2K 837 79
                                    

"When you really love what you're doing, nobody has to motivate you."



Snow POV

Kinakabahan ako habang palapag na yung kinasasakyan kong eroplano galing Paris, France. Kinuha ko na yung sling bag ko at isinukbit iyon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatanaw sa maliit na bintana ng eroplano.

Ilang sandali pa nga ay nakalapag na ito at isa isa ng nagsilabasan ang mga sakay nito.

"Snow Cervantez?"

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Isa iyon sa pasahero ng eroplano. Mga nasa late twenties na siguro nito at mahaba ang medyo kulot niyang buhok.

"Y-yes?" Alanganin na bigkas ko.

"It's really you!" Parang kinikilig pang sabi niya. "Pwede ba tayo magpa-picture na dalawa?"

Hindi na naman bago sa akin ang request na iyon. Simula kasi ng pumasok ako sa modelling, well, minsan lang naman ako nagmodel actually at kay tita Abegail Montalban lang yun, may mangilan ngilan ng nakakakilala sa akin at nagpapakuha ng picture kasama ako.

"Sure." Tugon ko na lang na mas lalo nitong ikinatuwa.

Akala ko naman siya lang ang magpapakuha, may mga sumunod pa at na-traffic na nga yung iba sa pagbaba ng eroplano. Humingi na lang ako ng pasensya sa kanila pero ayos lang daw dahil nagbigay daw ako ng karangalan sa Pilipinas.

Nakababa at natapos ko na naman lahat ng dapat ayusin sa loob ng paliparan at tulak tulak yung cart na naglalaman ng mga dala kong gamit at pasalubong mula Paris. Nagulat ako ng bigla akong dumugin ng mga reporters at cameramen.

"Snow Cervantez, anong pakiramdam mo na nanalo ang iyong gawa sa Paris, France?"

"Maligayang pagdating!"

Ilan lang naman yan sa mga salubong nila sa akin. Hindi ako makadaan sa sobrang dami nila. Flash dito flash doon ang mga camera at yung iba kinukunan ako ng video.

"Excuse me po." Magalang na sambit ko at napipilitang ngumiti sa kanila.

Pero makulit pa rin sila at panay pa rin ang bato nila sa akin ng mga katanungan. Dumating na din ang ilang security ng NAIA at sinubukan akong padaanin sa crowd.

Isa isa na lang ako sumasagot sa mga katanungan nila habang naglalakad ako palabas ng airport. Hindi kasi sila titigil hangga't hindi ko nasasagot ang mga katanungan nila.

"Masaya po kasi hindi ko naman po ini-expect na mananalo yung entry ko sa Film Festival sa Paris." Tugon ko sa tanong nila. "And I am thankful to everyone who supported me, especially to my family and friends."

"Snow, may plano ka bang gumawa ng isa pang obra dito sa Pilipinas?" Isa sa mga reporters ang nagtanong, hindi ko na nakita kong saang station siya naka-assigned.

"Yes. That's why I'm here." Nakangiting tugon ko.

"Another lesbian theme?" Follow up question pa niya.

"Yeah, probably." Sabay tangong tugon ko.

Buti na lang kahit papaano nakapag-ayos ayos ako ng konti kung hindi mukha akong ewan sa mga kuha nila sa akin. Ang layo at ang tagal ng ibiyinahe ko, malamang haggard ako pag nagkataon.

"Magpapaunlak ka ba ng one on one interview?" Tanong pa nung isa na taga TV5 yata.

"Maybe." Safe answer. "I'll think about it." Dismiss ko. "I have to go, nandiyan na po yung sundo ko."

Napatingin ako sa pamilyar na kotseng pumarada sa harapan ko. At kahit na pasakay na ako dun ay panay pa rin ang kuha nila sa akin ng litrato.

"Iba ng sikat!"

Rain & SnowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora