Chapter 4 Heaven's Sent

21.6K 798 84
                                    

"There's a rainbow always after the rain."


Rain POV


"Rain."

Isang malakas na yugyog sa balikat ang gumising sa akin. Napaungol lang ako bilang protesta ngunit inulit na naman ng kung sino ang paggising sa akin.

"Rain wake up!" Mas malakas na ang boses niya.

"Go away." Inaantok na taboy ko at nagkumot hanggang ulo.

"Rain!" Hinila niya yung kumot hanggang sa paanan ko. "You need to wake up now!"

Napakusot-kusot ako ng mata at half closed pa ang mga yun ng naupo sa kama. Antok na antok pa ako. Gabi na kasi ng makarating ako dito sa bahay galing ng Benguet. Ang sakit sakit pa ng katawan ko.

Nakita ko si Jona sa paanan ng kama ko at nakapameywang. "Bumangon ka na diyan, kailangan nating mag-usap."

Yun lang ang sinabi niya at tinalikuran na niya ako. Dismayadong napahilamos ako sa mukha ko. I reminded myself to lock my bedroom door next time.

"Five minutes, Rain." Pahabol pa ni Jona habang palabas siya ng kuwarto ko.

Aarrgghh! Tahimik na protesta ko at tsaka pabagsak na muling nahiga sa kama. But knowing Jona, babalik yun dito at siya na ang kakaladkad sa akin palabas ng kuwarto ko kung di pa ako babangon.

Labag sa kalooban na bumaba ako ng kama at nagtungo sa banyo para makapaghilamos at makapag-toothbrush man lang bago bumaba. Hindi ko na pinagkaabalahang suklayin pa yung buhok ko.

"Gandang umaga ate Rain." Bati sa akin ni Marie ng madatnan ko siya sa may puno ng hagdan.

"Morning." Bati ko rin at parang zombie na nagtungo na sa kusina.

Naabutan ko si Jona na nakaupo na sa dining table. Feel at home naman siya dito sa bahay. Pwede siyang pumasok dito anytime. Siya na din kasi ang nagsisilbing bestfriend ko at confidante.

Sa industriyang ginagalawan ko kasi, mahirap ang magtiwala sa kung kani-kanino lang. Madaming ahas at traydor. Madami ring manloloko at manggagamit. Pero hindi naman ibig sabihin nun na wala ng matitino at pwedeng mong masandalan.

Naupo ako sa kabisera at kumuha ng toasted bread saka inilagay sa plato ko. Tamang-tama naman ang pagdating ng kape ko. Black coffee, no sugar, no cream.

Kinuha ko yung tasa ng kape ko at humigop. Napapikit ako ng dumaloy ang mainit na kape sa lalamunan ko.

Ang sarap! I silently uttered.

Kahit papaano nagising na ang natutulog kong utak. Kinuha ko yung low fat butter at saka pinahiran yung tinapay. Kakagat na sana ako sa pagkain ko ng may inilapag si Jona na newspaper sa tabi ko.

Napairap ako sa diyaryo ng makita ko yung picture ko dun. "Please Jona, not this time."

Naibaba ko yung hawak kong tinapay dahil parang bigla akong nawalan ng gana. Pinagtuunan ko na lang ng pansin yung kape ko.

Napaingos sa akin si Jona at binuklat yung nakatuping diyaryo. "Basahin mo kasi."

I rolled my eyes. Ano pang babasahin ko dun? Yung mga puros kasinungalingang issues tungkol sa akin?

Humigop ako ng kape at bahagyang napasulyap sa diyaryo. Pero muli din akong napatingin dun at wala sa loob na kinuha ko yun at tinitigan yung babaeng nasa larawan.

Young Director Who Bagged Awards From Film Festival in France. Ang nakalagay sa title nung report ng kilalang news/article writer na si Ricky Lo.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon