Chapter 15 Getting Along

22.6K 960 181
                                    

"I got lost in you. But it's the kind of lost that's exactly like being found."


Snow POV


Nagising ako kinabukasan ng maramdaman kong parang may nakadagan sa akin.

"Hmm." I groaned as I try to shift my body in bed.

Pero pinigilan ako ng isang ungol ng protesta. Napatingin ako sa babaeng halos nakadagan na sa akin.

Nakaunan yung ulo niya sa may balikat ko, nakayakap sa beywang ko yung kaliwang kamay niya at pati yung isang legs niya nakapatong sa mga hita ko.

Paano ako makakagalaw kung ganitong halos ako na ang ginawang kama ni Rain?

Naalala ko yung nangyare kagabi. Umiiyak siya at ang lungkot lungkot ng mukha. The first time we met, nakita ko din yung lungkot na yun sa mga mata niya. She's in distress last night. She needs someone to comfort her that's why I gave her that.

Napangiti ako ng maalalang iyon yung unang pagkakataon na nag-usap kami ng hindi nagbabangayan.

This past few days naging busy siya sa trabaho at ganun din naman ako sa ginagawa kong proyekto kaya naman di na kami halos nagkikita at nagkakausap.

Napatingin ako sa mukha niyang ang lapit lapit lang sa akin. Ang relax na ngayon ng itsura niya. Inangat ko yung kanang kamay ko at hinawi yung buhok niyang nakatabing sa mukha niya.

Alam kong pagod siya sa trabaho at kailangan niyang magpahinga kaya naman di ko siya magawang gisingin.

Di ko napigilang hawakan yung pisngi niya at haplusin iyon. Di ko alam kung bakit ayoko siyang nakikitang malungkot at umiiyak. Parang kinukurot yung damdamin ko kapag ganun. O di kaya kung may nababasa ako o naririnig na di maganda laban sa kanya. Parang gusto ko siyang ipagtanggol. Dahil sa maikling panahong nagkakilala kami at nakasama ko siya, nakita ko yung totoong siya.

Isa din siyang simpleng tao. Minsan lang ako ang umiiwas mapatingin sa katawan niya. Sanay na kasi siyang rumampa sa harapan ko na kakarampot lang ang saplot. Na para bang wala siyang pakialam kung may kasama ba siya o wala.

She groaned. Bahagya niyang iginalaw yung ulo niya hanggang sa unti-unting nagmulat siya ng mga mata. Napatingin siya sa akin.

"You're awake." Sabi niya sa boses na in between gising at inaantok. Ang sexy.

"Good morning." Bati ko sa kanya. "You had a good sleep?" I asked.

Muli siyang pumikit at mas lalo pa siyang nagsumiksik sa tabi ko. It feels like she really belongs here beside me. Hindi man lang siya o ako naiilang sa ayos naming dalawa.

"I had." Sagot niya. "But I still want to sleep."

"I'd love to stay here and lie beside you, but I have to get up now." Saad ko.

She made a sound of protests. "Dito ka muna." Paglalambing niya.

Bahagya akong natawa. "Gusto mo bang maabutan tayo ni Miranda sa ganitong ayos?"

"I don't care." Sagot niya na naka-pout. "Buti naman nagdadamit ka na kapag natutulog." Bati niya.

"And I hope magdamit ka na din kapag matutulog." Nakangiting ganti ko.

"Nakadamit naman ako ah." Tumingala siya sa akin. Yung mga mata niya halatang antok pa.

"I mean yung mas madaming natatakpan." Tukso ko.

"Don't you find me sexy with these clothes on?" Biglang tanong niya.

Nakayakap pa din yung kamay niya at nakaunan pa siya sa braso ko. Nakapatong pa rin yung hita niya sa may hita ko.

Rain & SnowWhere stories live. Discover now