Chapter 10 Toe to Toe

22.4K 865 136
                                    

"Sometimes you'll find love unexpectedly with the most unexpected person."


Rain POV


Tamad na tamad na nagmulat ako ng mga mata kinabukasan. Gusto ko pang matulog at makabawi man lang ng lakas. Pero isipin ko pa lang yung nakalinyang gagawin ko ngayon, nawawalan na ako ng energy.

I love my work and I love what I'm doing. It's fun most of the time. Isa pa, unang una pa lang na sabak ko sa showbiz, nasabihan na ako ni Jona na may mga bagay akong kailangang isakripisyo para maabot ko yung mga pangarap ko, o kung gusto kong sumikat.

And now that I am one of the most sought after actresses in the country, masasabi ko namang worth it yung mga pagsasakripisyo ko.

"Hmm." I heard Snow groaned beside me.

Napatingin ako sa kanan ko at pati din pala siya napatingin sa akin. Kahit medyo magulo yung buhok niya, ang ganda pa rin niya. At yung mga mata niya talaga ang nagdala. Isama mo na yung matangos niyang ilong, natural ng pinkish na labi na may konting hati sa gitna ng kanyang lower lip at yung clef chin niya.

I woke up like this lang ang peg? Bigla akong na-conscious sa itsura ko. Bumangon ako sa kama.

"Morning." Bati ko ngunit nakatalikod naman ako sa kanya. "Ako na unang maliligo." Sabi ko pa habang pababa ako ng kama.

Napatingin siya sa orasan at biglang napabangon. "No!" Kontra niya. "Ako muna ang maliligo."

Bumaba na siya ng kama ng di man lang nag-abalang magtakip ng hubad na katawan. Sanay na naman ako makakita ng hubo't hubad. Sa industriyang kinabibilangan ko di na yan bago. Pero bakit sa kanya iba ang tingin ko?

Binilisan ko maglakad patungong banyo pero pinigilan niya ako bago pa man ako makapasok.

"Ako muna ang mauuna." Giit niya.

"Ako ang nauna!" Ganti ko naman na di makatingin sa kanya ng diretso.

"No!" Sabi niya.

Hinarap ko siya. Kailangan lang siguro ng konting encouragement para mapapayag ko siya sa mga gusto ko.

Humarang ako sa nakabukas na pintuan ng banyo. I looked straight to her, wearing a sexy smile.

"Snow?" I called her name seductively. Napakunot noo siya at natigilan. "Pwede naman siguro tayong magsabay." Sabi ko saka napakagat labi kunwari.

"No." Mahinang tanggi niya.

Hinawakan ko siya sa baba at bahagya iyong pinisil. Inilapit ko sa kanya yung mukha ko.

"Please honey?" Bulong ko sa mga labi niya.

"Rain..." Pabulong na bigkas niya.

Gotcha!

Napangiti ako sa kanya saka siya bahagyang itinulak dahilan para mapalayo siya sa akin at mabilis na akong pumasok sa banyo saka iyon isinara at ini-lock.

"Rain!" Kinalampag niya yung banyo. "Damn it, Rain Scarlet!"

Hindi ko siya pinansin at nakangiting nagtanggal ng damit at pumasok na sa shower room. Binuksan ko na yung shower at tumapat dun.

"You'll pay for this."

Shock na humarap ako sa nagsalita. Si Snow nasa loob ng shower room!

"W-what are you doing here?" Bigla akong kinabahan. "H-how... h-how come...?"

Pero hindi siya kumibo at galit lang na nakatingin sa akin. "This is my goddamn house." Sabi niya na may nagbabantang tingin sa akin at mabagal na lumalapit. Ako naman panay ang atras ko. "This is my room and for Pete's sake, this is my bathroom!"

Rain & SnowWhere stories live. Discover now